Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline Alcantara

IMAGE Rachelle Siazon

Miguel Tanfelix on real score with former Kambal, Karibal co-star Kyline Alcantara: "We're good friends." 


SINGAPORE—Pinabulaanan ni Miguel Tanfelix ang espekulasyong may namumuong espesyal na relasyon sa pagitan nila ng dating Kambal, Karibal co-star na si Kyline Alcantara. 

Ito ay sa kabila ng naglabasang balita noong Huly 2018 na diumano'y nauwi sa totohanan ang love triangle nina Bianca Umali, Miguel, at Kyline sa GMA-7 hit prime-time series na Kambal, Karibal

Si Bianca ang ka-love team ni Miguel at si Kyline ang pumagitna sa love story ng dalawa sa teleserye.  

Pero paglilinaw ni Miguel tungkol sa kanila ni Kyline, "We're good friends.

"Kasi si Kyline, yung personality niya mapapalagay ka talaga, e, kaya puwede ka makipagbiruan." 

Sa tunay na buhay, si Bianca ang alam ng publikong nililigawan ni Miguel. 

Kaya hindi maiwasang magkaroon ng bangayan sa pagitan ng mga masugid na tagasuporta nina Bianca, Miguel, at Kyline. 

Aminado si Miguel na hindi siya nakaligtas sa pambabatikos ng ibang netizens na hindi pabor sa pagkakaugnay niya kay Kyline. 

Pero giit ni Miguel, walang dahilan upang magpaapekto siya sa isyu. 

Aniya, "No, kasi why would you be affected if di naman talaga totoo?" 


Stories We Are Tracking

Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Kyline unfazed by bashers after rumored rift with Bianca
Kyline unfazed by bashers after rumored rift with Bianca
Bianca fans defend themselves on Kyline booing issue
Bianca fans defend themselves on Kyline booing issue

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa Asian Academy Creative Awards, na ginanap sa Capitol Theatre, Singapore, noong December 7. 

Full force na dumating sa red-carpet event ang GMA stars na sina Miguel, Kyline, Gabby Eigenmann, at Michael V na nominado sa international award-giving body. 

Si Miguel ay nominado bilang Best Actor, habang si Kyline ay nominado bilang Best Supporting Actress para sa kanilang dramatic performance sa Kambal, Karibal

Proud daw si Miguel na kinatawan nila ni Kyline ang Pilipinas para sa first Asian Academy Creative Awards. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, she deserves it. Nakita ko siya sa Kambal, Karibal. Nakita ko naman yung passion niya about doing her job.

"So actually, I mean, lahat naman kami dito thankful kami na nandito kami. Para sa amin, ginawa namin yung best namin." 

Itinuturing na country winners sina Miguel, Kyline, Gabby, at Michael V kahit hindi nila nauwi ang international awards sa kanilang respective categories. 

Si Gabby ay nominado bilang Best Supporting Actor para sa GMA-7 afternoon series na Contessa, habang si Michael V ay Best Comedy Performance para sa weekly sitcom na Pepito Manaloto


Stories We Are Tracking

Kyline, Miguel thrilled over first international nomination
Kyline, Miguel thrilled over first international nomination
FIRST LOOK: Maja, Kyline, at Asian Academy red carpet
FIRST LOOK: Maja, Kyline, at Asian Academy red carpet
ABS-CBN, GMA-7 stars represent PH at AAC Awards
ABS-CBN, GMA-7 stars represent PH at AAC Awards


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN