Ellen Adarna reunites with Beauty Gonzalez despite showbiz hiatus

IMAGE @beauty_gonzalez Instagram

Beauty Gonzalez posts photo of what seems to be a reunion with Ellen Adarna, almost six months after the latter gave birth to baby with John Lloyd Cruz.


Sa isang bihirang pagkakataon, pumayag si Ellen Adarna na makunan ng litrato kasama ang malapit na kaibigang si Beauty Gonzalez.

Base ito sa ibinahaging Instagram post ni Beauty ngayong Lunes, December 10.

Excited na pahayag ni Beauty, "Hey Stranger!"

View this post on Instagram

Hey Stranger! ♥?

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

Dagdag pa ng Kadenang Ginto actress, blooming ang hitsura ni Ellen ngayon.

"Isn't she lovely?" saad ni Beauty sa comments' section ng kanyang post.

Tila ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkita ang dalawa mula nang manganak si Ellen noong Hunyo.

Lalo pa't nag-post din si Beauty sa kanyang Instagram Story ng litrato kuha ang paa ng baby nina Ellen at John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @beauty_gonzalez Instagram Story

STAYING AWAY FROM SHOWBIZ

November 18, 2017 nang maiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Ellen, at si John Lloyd Cruz ang ama ng ipinagbubuntis ng sexy star.

Noong panahong iyon ay makailang-beses ding natanong si Beauty tungkol sa balitang pagbubuntis ni Ellen, pero hindi kailanman kinumpirma ng huli ang pagdadalantao ng kaibigan.

Tuluyang nakumpirma ang kundisyon ni Ellen nang kumalat sa social media ang kuha niyang may baby bump habang nagbabakasyon sila ni John Lloyd sa Palawan noong May 2018.

Nasundan ito ng pagkumpirma ng abugado ni Ellen tungkol sa pagbubuntis ng aktres, noong kasagsagan ng "paparazzi" controversy na kinasangkutan nito noong Mayo hanggang Hulyo. 

October 2018 naman nang tuluyang ipinagmalaki nina John Lloyd at Ellen ang pagkakaroon nila ng supling, base sa posts ng mga ito sa Instagram.

WITNESS TO JOHN LLOYD-ELLEN LOVE STORY

Samantala, hindi kaila sa publiko na saksi si Beauty sa pag-usbong ng love story nina John Lloyd at Ellen.

Bandang March 2017 nang mamataan ang grupo nina Beauty, Ellen, at John Lloyd na nagbakasyon sa Ilocos Norte.

Naging saksi rin naman sina Ellen at John Lloyd sa engagement ni Beauty at boyfriend nitong si Norman Crisologo sa bakasyon nilang iyon.

Patunay ng closeness ng mga ito ay kinuha ni Beauty na godparents sina Ellen at John Lloyd ng anak ng una.

Sa parte ni Beauty, ilang beses na rin niyang nasabi na suportado niya sina Ellen at John Lloyd sakaling magdesisyong lumagay sa tahimik ang dalawa.

At hindi raw papayag si Beauty na hindi siya imbitado sa oras na magpakasal sina Ellen at John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They're very close to me and to my family," dagdag ni Beauty sa panayam sa kanya ng PEP.ph noong November 2017.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted grocery shopping
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted grocery shopping
John Lloyd confirms son with Ellen for the first time
John Lloyd confirms son with Ellen for the first time
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline
John Lloyd Cruz-Ellen Adarna love story: A timeline


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN