Coco Martin doesn't feel bad about his name not mentioned in GMA for Jack Em Popoy promo

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin on rumors his name was "banned" in GMA: "Okey lang po yon at naiintindihan ko po, sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan."


Bawal nga ba talagang banggitin ang pangalan ni Coco Martin sa GMA kahit promo ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles?

Ito ang pinagbibidahan ni Coco, isang Kapamilya star, kasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza, mga Kapuso stars, sa pelikulang pasok sa 2018 Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Joint production ang Jack Em Popoy ng APT Entertainment ni Antonio Tuviera, M-Zet Productions ni Vic, at CCM Films ni Coco.

Sa guest appearance ni Maine sa GMA variety show na Sunday PinaSaya, noong December 9, hindi binanggit sa promo ng dalaga ang pangalan ng leading man.

Saad ng Phenomenal Star, "Ayun, mga Dabarkads, mga Kapuso, Jack Em Popoy poThe Puliscredibles, huwag po n’yong kalimutan, sa December 25 na po yan.

“Marami po kaming kasama diyan, Bossing Vic Sotto, and me myself and I at marami pa pong iba.

“Sana po unahin niyo po yan sa mga sinehan."

Kahapon, December 10, nagsabi ang kolumnistang si Lolit Solis sa kanyang Instagram na hindi siya naniniwalang bawal banggitin ang pangalan ng ABS-CBN Ang Probinsyano star sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng sinabi ni Lolit sa kanyang post, “Hindi naman ako maniniwala sa balitang 'ban' si Coco Martin sa GMA.

“Hindi naman siguro ganun ka-petty na ang co-star ni Bossing Vic Sotto sa filmfest movie niya hindi puwedeng banggitin ang pangalan.

“Baka naman may moment lang si Maine Mendoza kaya nalimutan banggitin ang pangalan ni Coco nang mag-promote siya.

“Imposible na hindi pagbigyan ng GMA si Coco dahil alam din ng lahat na sa 7 nag-umpisa ang career ni Coco Martin.

“Huwag na natin bigyan malisya na hindi siya nabanggit, baka may big pakulo para sa announcement ng naturang movie, malay natin, wait lang tayo.”

View this post on Instagram

Hindi naman ako maniniwala sa balitang 'ban' si Coco Martin sa GMA. Hindi naman siguro ganun ka-petty na ang co star ni Bossing Vic Sotto sa filmfest movie niya hindi puwedeng banggitin ang pangalan. Baka naman may moment lang si Maine Mendoza kaya nalimutan banggitin ang pangalan ni Coco nang mag-promote siya. Imposible na hindi pagbigyan ng GMA si Coco dahil alam din ng lahat na sa 7 nag-umpisa ang career ni Coco Martin. Huwag na natin bigyan malisya na hindi siya nabanggit, baka may big pakulo para sa announcement ng naturang movie, malay natin, wait lang tayo. Sa bait ni Coco, sure ako mag-melt ang puso ng mga executives ng GMA, sila Lilybeth, Redgie, at Gigi. Naku, excited iyan na personal makita si Coco Martin sa studio ng 7 noh, bet ko iyan. #lolitkulit #instatalk #71naako @mr.cocomartin

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sa comment section ng Instagram ni Lolit, nag-post naman ng kanyang pahayag si Coco.

Sabi niya, “Nay, okey lang po yon at naiintindihan ko po, sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila ang unang nagbukas sakin ng pintuan lalo na po si Sir Joey Abacan, napakabait po nila sakin kaya wala pong problema sakin yon at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganun din po si Maine.”

Ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay isa sa walong entries sa 2018 MMFF na inaasahang tataob sa takilya.

Sa ngayon, ang usap-usapan ay kung alin sa dalawang ito ang magiging No. 1: Jack Em Popoy nina Vic, Coco, Maine o Fantastica nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN