Miguel Tanfelix defends Bianca Umali, Ruru Madrid against romance rumors

IMAGE Dairy Darilag / Shaira Luna

Miguel Tanfelix (left) on Bianca Umali-Ruru Madrid rumored romance: "You know show business—lahat puwede kang ma-link diyan. Puwede kang gawan ng issue with someone else."


SINGAPORE—Inamin ni Miguel Tanfelix na nakarating sa kanya ang balitang nagkakamabutihan diumano sina Bianca Umali at Ruru Madrid. 

Kaugnay ito ng mga pagkakataong namataang magkasama sina Bianca at Ruru. 

October 2018 nang mabalitang nagpagawa ang dalawa ng matching tattoos na hugis rosas bago sila lumipad patungong Japan para sa isang trabaho.

Sumunod ay ang pagbabakasyon nila sa Siargao kung saan nakita silang sumabak sa surfing lesson. 

"I hear that a lot. Friends naman kami lahat sa Sunday PinaSaya," kibit-balikat na sabi ni Miguel, na ang tinutukoy ay ang GMA-7 variety show kung saan nakakasalamuha niya sina Bianca at Ruru.

Ayaw ni Miguel na bigyang-kulay ang pagiging magkaibigan nina Ruru at Bianca. 

Aniya, "You know show business—lahat puwede kang ma-link diyan.

"Puwede kang gawan ng issue with someone else.

"Might as well makipagkaibigan ka sa iba, kesa naman nasa isang corner ka lang." 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa sidelines ng Asian Academy Creative Awards, sa Capitol Theatre, Singapore, noong Biyernes ng gabi, December 7. 

Sina Miguel at Bianca ay perennial love team sa GMA-7 mula noong 2012.

Nang mag-debut si Bianca noong March 2018, pormal na nagpaalam si Miguel sa lola ng dalaga na gusto niyang ligawan ang Kapuso actress. 

Pero paglilinaw ni Miguel, naudlot ang plano niya sanang panliligaw noon kay Bianca. 

"Hindi rin po ako nag-start. Nagpaalam ako sa lola niya, and then sabi huwag daw muna," paliwanag ng 20-year-old actor.

Gayunman, nananatili raw silang mabuting magkaibigan ni Bianca. 

Dagdag ni Miguel, "Yes, we're good friends, just like before na sobrang kumportable namin sa isa't isa." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Miguel Tanfelix insists he's not courting Bianca Umali
Miguel Tanfelix insists he's not courting Bianca Umali
Bianca Umali says she's too young to be courted
Bianca Umali says she's too young to be courted
Miguel Tanfelix explains why he's not courting Bianca Umali
Miguel Tanfelix explains why he's not courting Bianca Umali
BiGuel relationship still a question mark
BiGuel relationship still a question mark

SECRET BREAKUP? 

Pinabulaanan din ni Miguel ang espekulasyong naging lihim silang magkarelasyon ni Bianca habang sila ay magka-love team. 

Pabirong hirit ng young actor, "Four years na magkarelasyon? Ang narinig ko, seven to eight years daw."

Bagamat hindi kailanman sinabi nina Miguel at Bianca na naging sila, July 2018 pumutok ang balitang naghiwalay sila dahil sa third-party issue. 

Usap-usapan na naging totohanan diumano ang love triangle nina Bianca, Miguel, at Kyline Alcantara habang ginagawa nila ang sikat na Kapuso prime-time series na Kambal, Karibal. 

Pero mariing pinabulaanan ni Miguel ang isyu. 

Sa parehong panayam ay sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Kyline.


Stories We Are Tracking

Kyline Alcantara: No awkwardness around Miguel Tanfelix
Kyline Alcantara: No awkwardness around Miguel Tanfelix
Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline
Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted together in Siargao
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted together in Siargao
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN