Kapuso star Vic Sotto all praises for Kapamilya star Coco Martin

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto (left) on Jack Em Popoy co-star Coco Martin: "He deserves what he is right now. Kung ano man ang narating niya ngayon, from where he was, kung ano siya ngayon, he deserves it dahil nakita ko ang sipag niya sa trabaho." 


Bilib na bilib si Kapuso veteran comedian-TV host na si Vic Sotto sa Kapamilya star na si Coco Martin.

Sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry nilang Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong December 6, Huwebes, sinabi ng Eat Bulaga! host na deserve ng Ang Probinsyano actor ang kasikatan at tagumpay na tinatamasa nito ngayon.

Saad ni Vic, “Si Coco nung magkasama sa kami, meetings pa lang and all that, sa principal photography, sa shooting, nakita ko na kung bakit siya very successful.

“He deserves what he is right now.

"Kung ano man ang narating niya ngayon, from where he was, kung ano siya ngayon, he deserves it dahil nakita ko ang sipag niya sa trabaho.

“Yung puso niya sa trabaho. Yung passion niya sa trabaho.”

Si Coco ay nagsimula bilang bit player hanggang sa makilala siya sa indie films.

Umarangkada nang husto ang kanyang career nang mapanood siya sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Vic, perfectionist din si Coco sa mga eksena nila habang ginagawa pa nila ang pelikula.

Saad ng Daddy's Gurl star, na kilala sa showbiz sa tawag na Bossing, “Hindi yung... hindi puwede sa kanya yung, 'Okay na 'yan,' 'Ayos na 'yan,' hindi.

“Kailangang perpekto, perpekto yung mga eksena, pati yung mga dialogues.

“Nakita ko yung passion, e, sa trabaho, hindi maarte sa trabaho at, more importantly, yung pakikisama sa tao.

“Nakita ko yun kung paano niya kamahal yung mga katrabaho niya kahit sino.

“May malasakit siya sa kapwa.”

Dahil daw sa nabuo nilang pagkakaibigan, birong sabi ni Vic, “Nag-a-I-Iove-you-han na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Vic at Coco, kasama ring bida sa pelikula ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN