Pia Wurtzbach game in joining Ken Chan in "Kapag lumingon ka, akin ka!" challenge

IMAGE Screen grab from Ken Chan Instagram

Kapuso actor Ken Chan continues his funny video challenge as Boyet of My Special Tatay. This time, his willing victim is Kapamilya star Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Marami ang natuwa sa video ng bida ng My Special Tatay na si Ken Chan at ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nagkasama ang Kapuso actor at Kapamilya beauty queen-actress sa unveiling ng kanilang stars sa Eastwood City Walk of Fame noong Lunes, December 10.

Game na game si Pia sa naging challenge ni Ken bilang Boyet sa social media na, "Kapag lumingon ka, kay Boyet ka!"

Ipinost ni Ken sa kanyang Facebook at Instagram accounts ang video.

Caption niya rito: "Yumanig ang universe ko nung lumingon ka eh! Lab ka ni Boyet! #MySpecialTatay"

Ikinatuwa ng followers ni Ken ang pagsasama nila ni Pia sa video, na kahit galing sila sa magkaibang TV networks ay nagkaisa sila sa pagkakataong iyon.

MESSAGE FOR KUYA GERMS

Nag-post din si Ken ng emotional message para sa tatay-tatayan niya, the late German "Kuya Germs" Moreno, sa pagtanggap niya ng star sa Walk of Fame.

Si Kuya Germs ang nagpasimula ng Walk of Fame sa Pilipinas.

Ani Ken sa kanyang post, “Pabiro kong sinabi kay Tatay (Kuya Germs) noon 'Tatay bigyan mo ako ng Star sa Walk Of Fame ah,' sagot naman niya sa akin 'balang araw magkakaroon ka din ng Star.'

"Ngayon dumating na nga ang araw na nagkaroon ako ng Star, wala ka naman Tatay.

"Pero alam kong nakangiti at proud kang pinagmamasdan ako habang tinatangap ko ang Star ko sa Walk Of Fame.

"Sobrang saya ko ngayon! Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Walk Of Fame Philippines at sa German Moreno Foundation! #WalkOfFame #WalkOfFamePhilippines"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN