Usap-usapan ngayon na si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray ang isa sa frontrunners sa 67th Miss Universe.
Pinag-usapan din nang husto ang kanyang national costume kung saan ipinakita niya ang sining at kultura ng buong Pilipinas.
Lalo namang hinangaan ng mga Pilipino ang ating pambato sa taunang international beauty pageant dahil sa kanyang viral videos na nagpapakita ng kagandahan at pagiging positibo ng mga Pinoy mula Luzon...
Visayas...
... hanggang sa Mindanao.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat, natutuwa siya na personal na nagtungo sa kanilang tanggapan ang beauty queen upang humingi ng tulong sa kanila.
Lahad ni Secretary Berna, “We actually... she went to my office, we accompanied her.
"She asked help to go around Intramuros, Luneta, and Rizal Park, and Yolanda, Leyte.
"So we helped her with that.
“In fact, yung mga nag-video sa kanya even thanked the DOT kasi we helped her go around the country.
“And we are so amazed kasi siya yung lumapit sa amin to ask help, kasi she really wants, e, to showcase the culture of the country.”
Gaganapin ang grand coronation ng 67th Miss Universe sa Muang Thong Thani, Bangkok, Thailand, sa Lunes, December 17 (Philippine time).
Kahit isa siya sa early favorites, tiniyak ni Catriona na hindi siya nagiging kampante.
Sa panayam niya sa programang Bottomline bago siya lumipad papuntang Thailand, sinabi ni Catriona, “I would never consider myself a sure-win because I don't have that kind of head on my shoulders.
"I always see that it's never a walk in the park.”