Kapuso star Maine Mendoza not intimidated by Kapamilya actor Coco Martin

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza describes Coco Martin's working attitude: "And tulad nga ng sinabi ni Bossing [Vic Sotto], very meticulous siya sa mga eksena. Kung puwedeng gawing perpekto, gawin natin, ganun siya."


Sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles lamang nagkakilala ang Kapuso star na si Maine Mendoza at ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Pero hindi raw na-intimdate si Maine kay Coco.

Ayon sa tinaguriang Phenomenal Star, “Ang bait, nagulat ako.

"Kasi first time lang din namin mag-meet, hindi siya intimidating at all.

“Sobrang approachable po niya at sobrang gentleman.”

View this post on Instagram

Maraming salamat napakabait mo!!!????????????

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Medyo beterano na si Coco pagdating sa paggawa ng pelikula bilang tinagurian na rin siyang "King of Indie Films."

Samantala, si Maine ay tatlong taon pa lang sa showbiz at ilang pelikula pa lamang ang nagawa niya.

Pero naging kumportable raw siya sa mga eksena nila ni Coco.

Saad ni Maine, “Sobrang nakakatuwa din kasi inalalayan niya ako sa mga eksena, tinutulungan niya ako.

“And tulad nga ng sinabi ni Bossing [Vic Sotto], very meticulous siya sa mga eksena.

“Kung puwedeng gawing perpekto, gawin natin, ganun siya.

“And isa siya sa mga pinaka-passionate na aktor na nakilala ko dito po sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang napaka-professional po niya.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN