Napuno ng excitement ang Filipino pageant fans, kabilang na ang ilang artista, dahil sa magandang performance ni Catriona Gray sa preliminaries ng Miss Universe 2018.
Ginanap ang preliminary competition ng prestihiyosong international beauty pageant sa Bangkok, Thailand, Huwebes ng gabi, December 13.
Kabilang sa mga nag-tweet bilang pagsuporta kay Catriona ang Kapamilya stars na sina Anne Curtis, Kim Chiu, Gretchen Ho, at It's Showtime escort na si Ion Perez.
Tweet ni Anne: "#CatrionaGray killed it at the prelims! BOTH WALKS were amazing! As in! Both so graceful and unique! Pang slow mo!!!!!”
Ngayon pa lang ay nag-congratulate na si Kim kay Catriona.
Halata naman sa tweet ni Gretchen na bilib siya sa performance ni Catriona.
Sunud-sunod naman ang tweets ni Ion para i-cheer si Catriona.
Si Ion ay siya ring reigning Mr. Universe Tourism, isang international male pageant.
Samantala, ang preliminary competition ang isang determining factor kung sino sa mga kandidata ng Miss Universe ang makakapasok sa Top 20.
Iaanunsiyo ang Top 20 sa grand coronation ng Miss Universe 2018 na magaganap sa Lunes, December 17.