Jessy Mendiola reminds male fans not to touch her during photo op

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola relates an incident where a male fan touched her waist while taking their photo. "Sinabi ko sa kanya, sabi ko, 'Sorry, huwag kang humawak,' kasi pababa nang pababa, e."  


Ipinaalala ni Jessy Mendiola sa kanyang male fans na huwag siyang hawakan kapag nagpapa-picture kasama siya.

Kamakailan kasi ay nag-post si Jessy sa kanyang Instagram Story ng paalala sa mga lalaking gustong magpa-picture sa kanya.

Mensahe ng 26-year-old actress: “Hello male friends. Next time you ask for a picture, please do not touch my waist without my permission. It’s inappropriate.”

Sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, December 13, ikinuwento ni Jessy kung ano ang pinanggalingan ng kanyang post.

Sa isang restaurant, isang fan daw ang lumapit sa kanya at nag-request na magpa-picture kasama siya.

“I was in a restaurant, 'tapos someone asked if puwede silang makipag-picture.

"So, sabi ko, ‘Okay lang naman.’

"Biglang hinawakan niya yung waist ko… medyo malapit na sa mababang [bahagi ng likod],” kuwento ni Jessy.

Iminuwestra ni Jessy na ang hawak ng lalaki ay nasa itaas na bahagi ng puwet.

Sinabihan daw niya ang lalaki na huwag siyang hawakan.

Saad ni Jessy, “I just want to clarify, kahit naman humingi ng permiso na hawakan ako sa beywang, hindi pa rin ako papayag.

“And I’m sure a lot of girls could relate.

“Kapag hindi ako kumportable sa isang bagay, sinasabi ko.

“Sinabi ko sa kanya, sabi ko, ‘Sorry, huwag kang humawak,’ kasi pababa nang pababa, e.”  

May mga pagkakataon naman daw na pumapayag siya sa request ng fan na umakbay.

“Meron kasing ibang fans na sinasabi, ‘Miss Jessy, okay lang po ba na akbayan kita, kunwari close tayo?’

"May ganun sila… na cute naman. Sabi ko, ‘Okay lang.’ So, I’m really okay with that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May limitasyon lamang daw ito depende kung sino ang aakbay.

Aniya, mas appropriate daw kung siya ang aakbay sa fan, lalo na kapag lalaki, kapag nagpapa-picture.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN