Danzel Fernandez plans to follow in dad's footsteps in politics

IMAGE Rommel Gonzales

Danzel Fernandez on possibility of following in his dad Dan Fernandez's (Sta. Rosa City, Laguna mayor) footsteps in politics: "Well, as of now, like in terms of following in his footsteps talaga, somehow I'm eyeing politics talaga."


Twenty-years old si Danzel Fernandez na anak ng actor/Sta.Rosa City Mayor Dan Fernandez at dating aktres na si Sheila Ysrael.

Tinanong namin si Danzel kung kumusta maging anak ng isang politician?

Tugon niya, “Well, siyempre nung young ako, wala pa naman akong idea.

“Nung mas bata pa ako, siyempre hindi pa naman open sa akin na my dad was a former actor.

“My Dad is continually going to politics, kaya ako siyempre wala lang sa akin.

“Pero nung tumanda na ako, na-gets ko naman.

“And siguro by that time, parang na-built up na somehow, parang I want to follow in my dad’s footsteps.

“Pero siyempre, ayoko namang makilala ako just because of my dad.

“Siyempre I want to make my own identity, gusto ko makilala din ako.

“Eto... new thing that I’m venturing into, and siguro I’m glad na suportado rin ako ng parents ko sa lahat ng ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not just in my school, but also getting into the showbiz industry.”

FOLLOWING IN DAD'S FOOTSTEPS IN POLITICS?

Susundan ba niya ang mga yapak ng kanyang ama sa showbiz? O kaya'y sa pulitika?

Lahad niya, “Well, as of now, like in terms of following in his footsteps talaga, somehow I’m eyeing politics talaga.

“Somehow yeah, kasi I might take up law eventually after my college degree.

“Pero it’s still a plan, medyo hindi pa, pero ngayon kasi interest ko yung showbiz, gusto ko…

“I’m interested in photography, videography…

“Talagang interest ko yung showbiz industry itself, so getting into this is a really great opportunity for me.”

Ano ang course ni Danzel?

Saad niya, “I’m taking up Psychology and Business Management, double major.

“At Taft, Dela Salle.

“Actually, magka-batch kami ni Ricci [Rivero] e, bago siya lumipat ng UP.”

Pero hindi siya basketball player?

“High school, I was a varsity player in high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na lang ako nag-continue sa college, kasi mahirap, e.

“So I focused na lang sa academics ko talaga.”

MOVIE

Magkasama sina Danzel at basketball player-turned-actor Ricci Rivero sa Otlum; ang entry ang pelikula sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

Nasa Otlum rin sina Michelle Vito, Buboy Villar at Inigo Delen.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danzel sa presscon ng Otlum nitong Huwebes, December 13, sa Play Hub Events Place sa Quezon City.

Produced ng Horseshoe Studios ang Otlum at nasa pelikula rin sina Vitto Marquez, Kiray Celis, John Estrada, Irma Adlawan, at Pen Medina.

Unang pelikula ni Danzel ang Otlum.

Si Sheila ang manager ni Danzel.

Pakli niya, “So siya yung in-charge ng pagpunta sa mga mall shows, like she helps me in terms of yung mga schedules, yun, Mom ko talaga.”

THANKFUL DESPITE PARENTS' SEPARATION

Matagal nang hiwalay sina Dan at Sheila.

Dahil dito, tinanong namin si Danzelkung paano siya nagku-cope sa ganitong sitwasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Well, I’m not entirely aware of kung ano mang issue meron, but then I’m glad na both parents are supporting me in terms of what I want, what I do, what we need.

“Sinusuportahan naman nila kami ng siblings ko and kung ano man yung meron, happy na rin ako.”

May mga case na kapag hiwalay ang mga magulang ay hindi na nararamdaman yung presence ng tatay o nanay.

Aniya, “Actually, nagsasama lagi kami.

“It doesn’t… parang hindi naman kami naaapektuhang mag-siblings.

“Lagi kami together—Christmas, New Year, as in very blessed pa din.”

Pag may special occasions?

“Every occasion, basta they’re there always.”

Tatlong magkakaptid sina Danzel.

“My sister, she’s 18, then my younger brother is 15.”

Hindi ba mag-aartista ang mga kapatid niya?

Pahayag niya, “Actually, feeling ko ako lang talaga yung nagmana sa parents ko, in terms of getting into showbiz or politics talaga, like talking in front of people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi I think yung siblings ko medyo introverted.

“Shy type sila, like nakuha ko siguro yung confidence ng dad ko.”

Paano siya napasok sa Otlum?

“Kinontak ni Direk yung Mom ko.”

Si Joven Tan ang direktor ng Otlum.

Ano ang pakiramdam na ang first movie niya ay MMFF entry?

Pag-amin niya, “Siyempre hindi naman kami nag-e-expect na makakapasok agad.

“Siyempre upon entering the set…

“Especially ako siyempre bago ako, parang alam ko naman na parang wala pa naman akong mapapatunayan, so I tried…

“Ginawa ko best ko para sa movie and thank you na lang sa prayers namin and hard work, nakapasok.

“Very blessed and very glad.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN