Lotlot de Leon marries Lebanese fiancé Fadi El Soury

IMAGE Instagram photos by @shyrvaldez and @zandralimdesigns

Actress Lotlot de Leon weds Lebanese businessman fiance Fadi El Soury in a private garden wedding in Batangas, Monday, December 17.


Ikinasal na si Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese fiancé na si Fadi El Soury sa isang private garden wedding ceremony.

Nangyari ang pag-iisang dibdib ng 47-anyos na aktres at ng businessman sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas, ngayong Lunes, December 17.

View this post on Instagram

congrats Fadi and Lotlot #FADIgetsaLOToflove #LotlotAndFriends

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

Base sa mga lumabas na larawan sa social media, naroon ang apat na anak ni Lotlot sa dating asawang si Ramon Christopher—ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez at mga kapatid na sina Jessica, Max, at Diego.

Dumalo rin sa kasal ang ama ni Lotlot na si Christopher de Leon, kasama ang asawang si Sandy Andolong at ang kanilang mga anak.

Ito ay base sa Instagram post ng aktres na si Shyr Valdes.

Nandoon din ang mga kapatid ni Lotlot na sina Matet de Leon at Ian de Leon.

Hindi pa alam sa kasalukuyan kung dumalo rin ang ina ni Lotlot, ang Superstar na si Nora Aunor.

View this post on Instagram

the soon to be married couple Fadi and LotLot #FADIgetsaLOToflove #FADItiestheLOT #LotLotAndFriends

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

Anim na taon na ang relasyon nina Lotlot at Fadi bago sila nagdesisyong magpakasal.

Nag-propose si Fadi kay Lotlot noong July 15, 2018 sa Tagaytay.


Stories We Are Tracking

Lotlot de Leon is engaged to Lebanese boyfriend
Lotlot de Leon is engaged to Lebanese boyfriend

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN