Marco Gumabao speaks up about Diego Loyzaga's sudden exit from Los Bastardos

IMAGE Noel Orsal

Marco Gumabao (left) on former Los Bastardos co-star Diego Loyzaga: "Yung pinagdaraanan niya ngayon, very mabigat siya. So if he wants na ihiwalay muna niya ang sarili niya from the world, go for it, because kanya-kanyang way of coping 'yan."


Ang sitwasyon ng kanyang Los Bastardos co-star na si Diego Loyzaga ang isa sa mga itinanong kay Marco Gumabao sa solo presscon niya para sa Aurora.

Ex-boyfriend ng karakter ni Anne Curtis ang role ni Marco sa Aurora, ang official entry ng Viva Films at Aliud Entertainment sa 44th Metro Manila Film Festival.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Marco sa Viva Studio sa Scout Madrinan, Quezon City, ngayong Martes, December 18.

Dahil bihira siyang makausap ng entertainment press, sinulit ang mga pagtatanong kay Marco kaya nabanggit si Diego na biglang nawala sa cast ng afternoon television series ng ABS-CBN.

Hindi na nagbigay si Marco ng kumpletong detalye tungkol sa nangyari kay Diego.

Pero kinumpirma niyang hindi na mapapanood sa Los Bastardos ang kanyang kapwa aktor, na napabalitang nagtangkang tapusin ang sariling buhay noong nakaraang buwan.

"If you ask me kung nagkaroon ba ng signs sa taping, wala. Sobrang gulat na gulat ako," pagtukoy ni Marco sa lumabas na balita tungkol kay Diego.

Patuloy niya, "I found out kasi through his make-up artist.

"Parang sinabi niya sa akin, ‘Kuya, hindi na makakapag-taping si Diego.’

"So, akala ko, 'Anong nangyari? Anong ginawa niya? May kaaway ba siya sa staff?'

"Tinawagan ko na sina Jake [Cuenca], Albie [Casiño], nag-usap-usap kami, lahat kami natataranta.

"It was, like, 2 a.m., 'tapos may taping kami ng 7 a.m. that same day, so we were all worried, we were scared kung anong mangyayari.

"Siyempre, lima kaming magkakapatid dito and you’d tell us, mababawasan kami ng isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was really also hard for us to accept na wala na talaga yung isang kapatid namin."

Bukod kina Marco, Diego, Albie, at Jake, ang isa pa nilang kapatid sa teleserye ay ang baguhang si Joshua Colet.

MESSAGE FOR DIEGO

Hiningan din ng mensahe si Marco para kay Diego.

Pahayag niya, "For Diego, we just hope for the best for him.

"Basta, gusto lang namin malaman niya na nandito kami for him, kaming magkakapatid sa show, and we miss him sa show, sa set.

"Pero yung pinagdaraanan niya ngayon, very mabigat siya.

"So if he wants na ihiwalay muna niya ang sarili niya from the world, go for it, because kanya-kanyang way of coping 'yan.

"It’s a family decision na mawala siya sa show.

"Magkakaibigan tayo, matagal na. I’m here for you, I pray for you, and I wish you well.

"At sana, magkasama pa tayo. I’m not sure, pero hindi ko alam kung saan."

Hindi naiiba si Marco kay Diego dahil may mga pinagdaraanan din siyang problema sa pamilya, pero malaking tulong ang pagiging madasalin niya.

Ang ama niyang si Dennis Roldan ay nakakulong ngayon dahil sa kasong kidnapping.

Saad ni Marco, "Every person naman is different from each other.

"Every person copes or handles problems different from each other.

"Siguro yung kanya... never naman namin napagkuwentuhan yung talagang sobrang deepest problem ng family, pero ako kasi, ito, personal ko, I always draw strength from God.

"Kapag may problema akong pinagdaraanan, I always go to church, doon ako kumukuha ng lakas. I always pray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So minsan, kapag may times na hindi ko kaya na mag-isa, I go up to Him.

"Actually, yun ang sinabi ko kay Jake, kapag okey na si Diego, gusto ko na lahat sila, invite sa church."


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga in attempted suicide?
Diego Loyzaga in attempted suicide?
Kylie confirms Diego has not yet returned to Los Bastardos
Kylie confirms Diego has not yet returned to Los Bastardos


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN