Pasabog ang eksenang halikan sa pagitan ng soon-to-be-married couple na sina Iza Calzado at Ben Wintle sa Coron, Palawan, ngayong araw, December 18.
Ibinahagi ni Iza, 36, ang underwater kiss nila ni Ben, 37, sa kanyang Instagram account.
Sabi ng Kapamilya actress sa kanyang caption: "Can’t wait to begin this adventure with you my love @benmwintle @patdy11 @clubparadisepalawan #becomingmrswintle"
Bukas, December 19, nakatakdang ganapin ang pag-iisang dibdib ng longtime couple.
Nakasaad sa post ni Iza na naka-check-in sila at iba pang wedding guests sa Club Paradise Palawan, isang exclusive resort sa Dimakya Island, Coron, Palawan.
Inaasahang dito rin gaganapin ang wedding ceremony nina Iza at Ben.
Noong October 8, 2017 nag-propose si Ben kay Iza sa Tagaytay. Saksi noon ang ilang malalapit na kaibigan ng couple.
Sa loob ng pitong taong relasyon ng dalawa, ni minsan ay hindi nabahiran ng anumang intriga ang kanilang pagsasama.
Sadyang hindi lang talaga minadali ni Iza ang paglagay sa tahimik dahil naging focused ito sa trabaho noon.