Calvin Abueva posts photo of wife; gets bashed by Vice Ganda's fans

IMAGE Photos from Instagram

Calvin Abueva (left photo, wearing a cap) gets bashed by fans of Vice Ganda (left photo, with blonde hair) after the PBA player posted on Instagram a photo of his wife Salome Alejandra (right photo).


Matinding pambabatikos ang natanggap ng PBA player na si Calvin “The Beast” Abueva mula sa mga fans ni Vice Ganda matapos i-post ng basketbolista ang larawan ng kanyang asawa.

Noong December 17 ipinost ni Calvin sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang asawa na kinilalang si Salome Alejandra "Sam" Javalera.

Tanging caption dito ni Calvin ay petsa: “August 08, 2010.”

View this post on Instagram

A post shared by Calvin Abueva (@calvin.abueva.9465) on

Sunud-sunod ang komento ng netizens na karamihan ay tagasuporta ni Vice.

Marami sa kanila ang nagalit sa ginawang post ni Calvin.

Para sa kanila, malinaw na "statement" ang post na ginawa ni Calvin, na nagsimulang ma-link kay Vice noong September.

Tinawag na manloloko ang basketball player dahil pinaasa raw niya si Vice na may espesyal na namamagitan sa kanila.

Narito ang ilan sa mga komento ng galit na fans ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CALVIN RESPONDS TO BASHERS

Hindi naman pinalampas ni Calvin ang pambabatikos sa kanya ng netizens.

Wala raw kinalaman ang pagpost niya ng litrato ng kanyang asawa sa pagkakaibigan nila ni Vice.

Giit pa ng basketball player, totoong kaibigan ang turing niya sa It's Showtime host.

Hindi rin daw siya papaapekto sa pamba-bash sa kanya.

Buong komento ni Calvin: “Alam nyo si vice totoong kaibigan ang aswa asawa talaga wala ako pakealam kung bash nyo ako oh support kayo kame ni vice true friend ang turing ko sa kanya hindi na sya iba sakin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron din namang kumampi kay Calvin at nanawagan sa ibang netizens na irespeto kung anuman ang post ng basketball player.

Ipinaalala din ng mga tagasuporta ni Calvin na mismong si Vice ang nagsabing magkaibigan lang sila ng PBA player at alam ng comedian-TV host na pamilyado ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimulang ma-link sina Vice at Calvin noong September, matapos kumalat sa social media ang ilang larawan nila na magkasama.

Simula noon, madalas nang lumalabas na magkasama ang dalawa at naging tampulan ng panunukso si Vice ng kanyang mga kapwa artista.

Consistent naman sina Vice at Calvin sa pagsasabing magkaibigan lang sila.


Stories We Are Tracking

Vice on PBA player Calvin Abueva:
Vice on PBA player Calvin Abueva: "He's proud of me."
Vice Ganda receives flowers from Calvin Abueva onstage
Vice Ganda receives flowers from Calvin Abueva onstage

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN