Jericho Rosales explains why he is not yet ready to be a dad again

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales on having a baby with wife Kim Jones: "Mahilig ako sa bata, batang isip nga ako. Na-realize lang namin na were not yet ready."


Apat na taon ng kasal sina Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones ngunit hanggang ngayon ay wala pa sa plano nila ang magkaanak.

Kuwento ni Jericho sa recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m not ready to be a dad. Not yet.

“Wala pa, e, wala pang time, wala pang masyadong time for family and friends.”

Ayaw ba niya ng bata?

Natatawang tugon ng bida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na The Girl in the Orange Dress, “Mahilig ako sa bata, batang isip nga ako.

“Na-realize lang namin na we're not yet ready.”

Paliwanag pa niya, “When we have time, we just spend it together.

“Parang feeling talaga namin as a married couple, andami pa naming kailangang pag-aralan sa isa’t isa and enjoy-in yung time namin sa isa’t isa.

“Para mag-grow pa kami as a couple, we’re not really rushing, andami naming pamangkin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s difficult, very difficult. Nakikita namin yung mga kaibigan namin na may mga anak sila and full time.”

Hindi ba sila naiinggit sa mga kaibigan nilang may mga anak na rin?

Saad ni Jericho, “Hindi nga, kasi alam naming hindi namin kakayanin, e.

“Hindi naman kami ang mahihirapan kapag ano, yung baby naman.

“Di ba pag walang time, yung baby yung kawawa.

“Ayaw na ayaw namin yung putting pressure on the marriage… hindi naman kami nagmamadali.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN