Alex Gonzaga reveals sister Toni is a perfectionist at work: "Masyado siyang pakialamera."

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga (left) on working with sister Toni (right): "Pag stressed siya, dapat lahat ng tao sa paligid niya, stressed. Kailangang ganon ka rin sa paningin niya. Pag stressed siya tapos nakita niyang relaxed ka, magagalit siya." In the movie Mary, Marry Me, Alex and Toni play sisters who are both romantically linked to the same guy, played by Sam Milby (center). 


Hindi nawala ang "conflict" sa pagitan ng magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga hanggang sa unang pelikulang pinagsamahan nila, ang Mary, Marry Me. 

Ang Mary, Marry Me ay official entry ng Ten17 at TinCan Productions para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018, na magbubukas sa mga sinehan ngayong December 25.

Parehong lead stars at co-producers sina Alex at Toni sa pelikula. 

"'Lagi naman kaming may conflict," bungad na pag-amin ni Toni.  

Sinegundahan ito ni Alex, “During the filmmaking, parang ano lang, wala kaming na-discover na bago. Wala kaming nadiskubreng bagong away na bago.

“Kumbaga, na-confirm lang yung pag-uugali na kinaiinisan namin sa isa’t isa.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sina Toni at Alex sa mediacon ng Mary, Marry Me, na ginanap sa Hive Hotel, Quezon City, noong Sabado, December 15.

Naroon din ang leading man nilang si Sam Milby at direktor na si RC de Los Reyes. 

Tanong ng PEP.ph: Ano yung kinaiinisan ninyo sa isa't isa?

Mabilis na sagot ni Alex patungkol kay Toni: “Masyado siyang pakialamera, masyado siyang perfectionist. 

"Saka pag stressed siya, dapat lahat ng tao sa paligid niya, stressed. Kailangang ganon ka rin sa paningin niya.

"Pag stressed siya 'tapos nakita niyang relaxed ka, magagalit siya. 

"E, ako, ayaw kong laging nai-i-stress, kasi pag nai-stress ako, grabe rin ang stress. So, parang nire-relax ko. Ayun, nagagalit siya lagi.”

Sa tanong kung ano ang endearing qualities ni Toni, natatawang biro muna ni Alex, "As of now, wala pa kong nakikita sa kanya." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang magseryoso ay pinuri naman ni Alex ang kanyang kapatid.

Paglalarawan ng comedienne-vlogger kay Toni, “She’s very generous, she’s very respectful, and pag kasama mo siya sa set, parang lahat ibibigay niya, e—pera, pagkain, time, emotions—lahat.

“Masarap siyang kasama sa set. Yun na nga lang, wag na nga lang siyang mangialam.”

Aminado si Toni na intense siyang katrabaho sa set. 

Paliwanag niya: “Magkaiba kasi kami ng working dynamics—not just dynamics with the two of us but kung paano kami sa set.

“When I go to the set, I’m so focused. Para ngang medyo intense.

"Kasi nga I wanna get things done, I wanna make everything good, kasi nga gusto mong pagandahin yung pelikula.

“Si Alex kasi is the more laid-back, relaxed type... Parang ang napansin ko naman sa kanya, she takes everything on a light mode.

“Feeling mo, lagi siyang hindi seryoso. So, kailangang palagi mo siyang kausapin, 'Hoy, serious to!'”

Bumawi naman si Toni kay Alex nang purihin nito ang husay ng nakababatang kapatid.

Pagbibida ni Toni sa kapatid: “Even si Direk RC, sabi niya, ‘In fairness kay Alex, pag nag-drama kayo, drama siya.'

"Pero pag nag-cut, siya lang daw yung 'Weh!!! Wehhhh!' Yung parang after drama, maingay na.

"Kasi tayo pag heavy drama, after the scene, cut, hihinga ka muna, minsan iiyak mo ulit.

“Pero ito, mabilis siyang mag-snap out doon sa situation.”

 

ALEX, THE PACIFIER

Na-appreciate din daw ni Toni na "kilalang-kilala" siya ni Alex, kaya nasasabihan siya nito kapag masyado na siyang tense sa set. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, napansin ni Alex na parang walang sinabing endearing sa kanya si Toni kaya pinuna niya ito.

Agad namang ipinaalala ni Toni ang naunang sinabi, “Yun nga, endearing ka kasi kilalang-kilala mo ako."

“Ano kaya yun?” kunwa'y himutok pa rin ni Alex, na parang naghahanap pa ng ibang papuri mula sa kanyang ate.

Kaya paglilinaw ulit ni Toni, "Alam mo kung paano mo ko i-pacify. Saka lagi mo akong napapasaya.

“Saka pag malungkot ako, tatawagin ko lang si Alex.”

Biglang nagsalita si Sam at nag-apologize dahil gusto niyang sumingit sa usapan ng dalawang magkapatid.

Sabi ni Sam, “May ipapasok lang ako... May mga scenes na kailangang umiyak si Toni, hirap na hirap siya.

“Lumapit lang si Alex, tapos biglang yan na, walang effort, e.”

Dugtong na komento ni Toni, "Magaling si Alex, e. Alam niya what the right buttons to push pag sa akin." 

 

ON ALEX'S GENEROSITY

Patuloy ang kulitan ng magkapatid nang tanungin si Toni kung generous ba sa kanya si Alex, lalo na noong pareho na silang nagtatrabaho sa showbiz. 

Birong banat ni Toni, "Sakim! Waaah! Sakim!" 

Pero matapos ang ilang sandali, sinabi ni Toni na sobrang generous ni Alex, lalo na't malaki ang kinikita nito sa vlogging. 

Ani Toni, “Sobrang sini-share nya yung mga blessings na meron siya. Lahat nang na-experience niya sa vlog niya, sini-share niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN