Marco Gumabao says he has no regrets leaving Star Magic

IMAGE Noel Orsal

Marco Gumabao is part of the ABS-CBN afternoon teleserye Los Bastardos and the 2018 Metro Manila Film Fest entry Aurora.


Walang pinagsisisihan si Marco Gumabao, 24, sa kanyang paglipat ng talent management.

September 2017 nang pumirma ng kontrata si Marco sa Viva Artist Agency.

Bago iyon, limang taon naging talent si Marco ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Masasabi ba niyang good decision ang paglipat niya?

Sagot ni Marco, “Well, if you can say that, yes, siguro. It was a good career decision.

“Ako naman, I owe a lot to Star Magic because antagal ko rin sa kanila, do’n ako nagsimula. Naka-form ako ng family with them.

“When I told them, 'parang I think I wanna do more,' naiintindihan din naman nila.”

Naunawaan din daw ng aktor kung hindi siya madalas mabigyan ng projects noon.

“Siyempre, you can’t blame them naman din kasi marami rin naman kasing nasa Star Magic.

“So, minsan you can’t blame them kung di ka nila nasasama sa bagong shows.

“So, I said, siguro it’s best if I transfer management na makaka-push sa akin.”

INITIAL FEAR

Gaya ng ibang lumilipat, nangamba rin daw noon si Marco na baka lalo siyang hindi mabigyan ng proyekto sa kanyang paglipat ng management.

“Very hesitant ako nung first time, before ako umalis ng Star Magic.

“Sabi ng handler ko before sa Star Magic, 'Bakit ka pa aalis, you’re inside the network na?’ Pero sinabi ko, five years na akong nasa Star Magic at that time, and may nangyari naman, pero it’s not the pace we wanted.

“So, sabi ko, ‘I have to try new things. I have to try a new management siguro.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaabot daw ni Marco ang kanyang saloobin kay Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M, chairman emeritus ng Star Magic, at pati kay Mariol Alberto, na siyang current head ng ABS-CBN talent management arm.

“And thankful ako kina Mr. M, sina Miss Mariol, naiintindihan naman nila yung sentiments ko.

“Walang bad blood naman. It was all good,” paniniyak ng aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Marco sa Viva Studio sa Quezon City, noong Martes, December 18.

HAPPY WITH HIS CAREER

Sa kasalukuyan, isa sa mga lead stars si Marco sa Kapamilya afternoon teleserye na Los Bastardos.

Tampok din siya sa 2018 Metro Manila Film Fest entry na Aurora, kasama si Anne Curtis.

Tanong kay Marco, masaya ba siya sa takbo ng kanyang career?

Sagot ng binata, “All I can say is I’m where I wanna be now, but this is not where I wanna stay yet.

“So, for me, I believe in the step-by-step process.

“Ayoko yung overnight na sumisikat."

Umaasa raw siyang mas mabibigyan pa siya ng oportunidad na maipakita ang kanyang talento sa pag-arte sa susunod na taon. 

Dagdag ni Marco, “I just believe in the traditional way na step one, step two, step three.

"Kasi mahirap if from one step, mag-jump ka nang sobrang laki, baka mabigla ka, baka hindi ka ready sa ibibigay sa ‘yo.

“Now, I’m happy sa pace na tinatakbo ng career ko. And I pray na sana magtuluy-tuloy." 

Bukod sa Aurora, may dalawa pang pelikulang nakatakdang gawin si Marco sa 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN