Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez reveal lessons from 2010 falling-out

IMAGE Instagram

On conflict with Mariel Rodriguez (right) eight years ago, Toni Gonzaga (left) now says: "It was blown out of proportion. It was also something that we could have dealt with between the two of us instead of involving a lot of people."


Inihayag nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez na malayo na ang pinagdaanan ng kanilang pagkakaibigan mula nang magkaalitan sila noong 2010.

Nagsilbi raw iyon na matinding pagsubok na mas nagpatatag sa pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

Naging magkaibigan ang dalawa mula nang magkatrabaho sila sa pinakaunang edition ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother noong 2005.

Paglalarawan ni Mariel sa pagsubok na pinagdaanan nila ni Toni, "Para sa akin, it was major.

"Kasi sobra kaming naging... kumbaga in showbiz, for me, she was my best friend." 

Kaya nung "nag-away" raw sila ni Toni ay naging big deal talaga.

Sang-ayon din si Toni na pareho silang nasaktan ni Mariel sa pangyayaring iyon.

Sabi ni Toni, "It was major because, at that time, we were young.

"It was hard to get over with. It took time to heal."

Hindi raw nila pinuwersang magkaayos sila agad, kahit pa may ibang taong tumutulong na magkaayos sila noon.

Dugtong ni Mariel, "Kasi noong nagkaroon ng time na ibang tao ang nagta-try na mag-ayos, parang, okey...

"Pero hindi pa siya yung talagang naging okey na okey na talaga."

Nakapanayam sina Toni at Mariel sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, noong Biyernes ng umaga, December 21.

Dito ay diretsahang tinanong ng TV host na si Jolina Magdangal kung ano ang pinag-ugatan ng away nina Toni at Mariel.

Sagot ni Toni, "Maraming mga na-involve, maraming factors.

"It was blown out of proportion.

"It was also something that we could have dealt with between the two of us instead of involving a lot of people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na idinatelye nina Toni at Mariel kung anong puno't dulo ng kanilang alitan noon.

WHAT CAUSED THEIR CONFLICT?

Pero sa panayaman na inilathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2010, pahapyaw na inamin ni Toni na may kinalaman sa nasirang tiwala ang pinagmulan ng hinanakit niya kay Mariel.

May mga impormasyon umanong nakarating sa kanya na naging hudyat upang malaman niya kung sino ang mga "totoong tao sa buhay ko."

Sabi pa ni Toni, "Siyempre, hindi ko naman siguro sasabihin na tapos na ang lahat kung hindi ako nasaktan, di ba?

"Alam na nilang lahat 'yon, alam na ng mga taong involved."

Mangyari pa raw, marami ang nagparating sa kanya ng bali-balita tungkol kay Mariel.

"And this is not coming from one person, this is coming from different sources," diin niya.

Kinulit pa ng entertainment reporters noon si Toni na sabihin kung paano siya nasaktan ni Mariel, pero tumanggi nang magdetalye si Toni hinggil dito.

Isa pang lumambas na espekulasyon noon, may kinalaman ang alitan ng dalawa sa naudlot na pelikulang pagtatambalan sana ni Toni at Robin Padilla.

Ang lumalabas na usap-usapan sa showbiz circles, gusto ni Robin na "single" sana ang kanyang maging leading lady sa pelikula.

Nagkataong si Toni ay committed na sa longtime boyfriend nito, ang director na si Paul Soriano.

Tiyempo namang si Mariel ay single at nagsimulang maugnay kay Robin, matapos nilang magkatrabaho sa Kapamilya noontime show na Happy Yipee Yehey, kung saan co-host si Mariel at naging guest co-host for two weeks si Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas ang impormasyong ito sa ulat ng PEP.ph, na may petsang July 30, 2010.

Todo-iwas pa rin si Toni nang usisain siya kung may kaugnayan ang isyung iyon sa alitan nila ni Mariel.

Ang makahulugan lang niyang pahayag—bago pa man na-offer sa kanya ang pelikula nila ni Robin—ay may nadiskubre na siyang impormasyon na naging resulta ng alitan nila ni Mariel. 

Ilang buwan ding nag-iwasan ang dalawang actress-TV hosts, hanggang sa nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap sa loob ng apat na oras bandang January 2011.

Dito nagsimulang maghilom kung anuman ang naging alitan ng dalawa noon.

PRESENT REALIZATIONS

Sa pagpapatuloy ng panayam sa Magandang Buhay, aminado naman si Mariel na hindi nila "na-handle" nang maayos ang kanilang alitan ni Toni dala ng kabataan.

"But I think kaya mas malalim ang friendship namin ngayon, kasi may pinagdaanan na gano'n," dagdag ni Mariel.

Sabi naman ni Toni, "After everything, you will value what you have."

Katunayan ay sabay nilang ipinagdiwang ang ilang milestones ng kanilang buhay.

Saksi si Mariel nang ikasal si Toni sa mister nitong si Paul Soriano noong June 2015.

Halos sabay ring nagdalantao sina Mariel at Toni, na nagkaroon pa ng joint baby shower sa PBB noong August 2016.

"Madami nang pinagdaanang stages...

"Napagtatawanan, natse-cherish, because andaming lessons learned," pagtatapos ni Toni.

Hirit naman ni Mariel, "Kumbaga, love is sweeter the second time around."


Stories We Are Tracking

Toni Gonzaga confirms conflict with Mariel Rodriguez but doesn't say why
Toni Gonzaga confirms conflict with Mariel Rodriguez but doesn't say why
Michael V reveals plan to shelve Yaya and Angelina characters
Michael V reveals plan to shelve Yaya and Angelina characters
Toni Gonzaga waited for five years before accepting another noontime show
Toni Gonzaga waited for five years before accepting another noontime show
Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez:
Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: "Wala naman na akong issue. Ayaw ko nang magsalita."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN