Monsour del Rosario says Ateneo high-school bully a "failed representation" of Taekwondo

IMAGE Monsour del Rosario Facebook

Olympian/actor/politician Monsour del Rosario tells parents of Ateneo high-school bully: "Raise your children to be better."


Kinondena ni Monsour del Rosario ang bullying incident na kinasasangkutan ng isang Ateneo De Manila junior high school student na expert sa Taekwondo.

Nasa posisyon ang Olympian na magsalita tungkol sa kontrobersiyal na isyu dahil siya ang secretary general ng Philippine Taekwondo at nag-iisang non-Korean athlete na iniluklok sa Taekwondo Hall of Fame.

Ilan sa mga kompetisyong nilahokan ni Monsour ay ang 1988 Seoul Olympics, Southeast Asian Games, Asian Games, World Taekwondo Championships, at Asian Taekwondo Championships.

Sabi ni Monsour, "I've received literally hundreds of texts and calls in the last 24 hours from our colleagues in the press and personal friends asking for a statement on the bullying incident that took place in Ateneo recently.

"The amount of messages increased exponentially after it was revealed that the young bully is an alleged Taekwondo black belt and gold medalist."

Iginiit ni Monsour, na isa ring congressman sa first district ng Makati City, na malaking pagkakamali na gamitin ang galing sa taekwondo para manakit ng kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito ng viral videos kung saan makikitang sapilitang pinapapili ng sangkot na estudyante ng "bugbog o dignidad" ang sinumang pinupuntirya nito, at pagkatapos ay sasaktan o papahiyain.

Para kay Monsour, malaki rin ang pananagutan ng mga magulang ng high-school bully sa isyu.

Matapang na pahayag ni Monsour: "Yes, none of us are perfect—we've all made our mistakes and should not judge people loosely.

"But to the parents of the bully, let's be very clear here, this is as firm a judgement that you will ever get from me: Your son is a failed representation of our beautiful sport.

"Every aspect of the viral video was hideous, weak, and unacceptable.

"Raise your children better."

Sa huli, umapela si Monsour na magsilbing aral ang insidenteng ito para sa lahat ng mga magulang.

"Let's all raise our children to be better. Let's raise our sons, particularly those in the martial arts, to be good men."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN