Maine Mendoza ends 2018 on a happier note

IMAGE @mainedcm Instagram

Maine Mendoza seems to have found the balance between her work and her personal life this year, compared to the inner struggles and frustrations she had in 2017.

 


Tila nagkatotoo ang wish ni Maine Mendoza na maging puno ng masasayang karanasan ang kanyang 2018.

Sa kanyang Instagram post kagabi, December 22, inihayag ng Dubsmash Queen na masaya ang pagtatapos ng kanyang taon.

Simpleng post ni Maine, "ending the year as happy as I can possibly be."

Kalakip nito ang litrato ni Maine na todo-ngiti at nakamuwestra nang arms wide open, na tila ba handang mas maka-attract pa ng positive vibes.

View this post on Instagram

ending the year as happy as I can possibly be

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Hindi maikakailang positibo ang disposisyon ni Maine at ganado siyang magtrabaho nitong mga nakaraang buwan.

Sa katunayan, ngayong Linggo, December 23, nakilahok siya sa Metro Manila Film Fest (MMFF) Parade of Stars para sa pelikulang pinagbibidahan nila nina Coco Martin at Vic Sotto, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

LAST YEAR'S DILEMMA

Around this time last year, matatandaang nag-file ng biglaang leave of absence si Maine mula sa trabaho matapos niyang ilathala ang isang open letter tungkol sa pinagdaraanan niyang pagsubok bilang artista. 

Inamin ng dalaga na pakiramdam niya ay nakakulong siya sa kahon dahil hindi niya malayang naihahayag ang kanyang nararamdaman, dala ng masyadong mapanuring netizens sa tambalan nila ni Alden Richards, o mas kilala bilang AlDub.

Sabi sa bahagi ng open letter noon ni Maine noong November 26, 2017:

"Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko, sino ba talaga ang gumawa sa akin? Ang Diyos ba o sila?

"Pagmamay-ari ba nila buong pagkatao ko para diktahan ako sa halos lahat ng bagay? Bakit ganun? Ganun ba dapat kapag mahal mo yung tao?

"Susubukan mong kontrolin ng naaayon sa kagustuhan mo? Dahil tingin mo yun yung tama? Dahil tingin mo doon siya liligaya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umapela noon si Maine na sana ay mabigyan siya ng kalayaang gawin ang mga bagay na para sa kanyang personal fulfillment.

"Alden deserves the same, too," ang sabi pa noon ni Maine.

Pagpatak ng January 1, 2018, nagbalik-trabaho rin naman si Maine bilang co-host ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga.

Pagkatapos ay ilang buwan ding naghintay ang AlDub fans kung ano ang susunod na proyekto ang kanilang iniidolong love team.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza returns to <em>Eat Bulaga!</em> on New Year's Day
Maine Mendoza returns to Eat Bulaga! on New Year's Day
What will happen to AlDub? Maine's manager answers
What will happen to AlDub? Maine's manager answers

Hanggang sa lampas mid-2018, nabigyan sina Alden at Maine ng pagkakataong gumawa ng sarili nilang mga proyekto, habang patuloy pa rin silang napapanood bilang Eat Bulaga Dabarkads.

Pinagbidahan ni Alden ang GMA prime-time series na Victor Magtanggol.

Si Maine naman ay nagkaroon ng ilang TV appearances sa weekly Kapuso magical anthology na Daig Kayo ng Lola Ko, at saka pinagbidahan ang ongoing sitcom na Daddy's Gurl kasama si Vic Sotto. 


Stories We Are Tracking

Alden on love team with Maine: Hindi pa po tapos ang AlDub
Alden on love team with Maine: Hindi pa po tapos ang AlDub
Maine to Alden:
Maine to Alden: "You will always have my support."
Alden, Maine to AlDub fans:
Alden, Maine to AlDub fans: "Hindi pa rin po kayo nawala."
Maine Mendoza quashes gamitan issue with Alden Richards
Maine Mendoza quashes gamitan issue with Alden Richards

QUERIES ABOUT HER LOVE LIFE

Kasabay nito ay patuloy ang curiosity ng mga tagasuporta ni Maine sa estado ng kanyang love life.

Nito ngang last quarter ng 2018, naugnay si Maine sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde matapos nilang magkatrabaho sa shooting ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Mahigit limang beses nang namataang magkasama ang dalawa na kumakain sa restaurant, nagpa-party sa restobar, at nanonood ng concert.


Stories We Are Tracking

Maine, Arjo spotted together last Halloween at BGC bar
Maine, Arjo spotted together last Halloween at BGC bar
Ria neither confirms nor denies Arjo-Maine romance rumors
Ria neither confirms nor denies Arjo-Maine romance rumors
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo

Bunsod nito ay hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon na ito ay isa sa mga dahilan kung bakit masaya ngayon si Maine.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters noong December 6, sinabi ni Maine na masaya siya at masaya rin ang puso niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin hinggil sa real score sa pagitan nila ni Arjo, inamin ni Maine na nasa "getting to know each other" stage pa lang sila at lumalabas sila bilang "friends."

Maliban dito ay hindi na sinagot pa ng dalaga ang ibang katanungang may kaugnayan kay Arjo.

Ang tanging siniguro ni Maine ay natutuwa siya dahil ngayon daw ay mas nakakaramdam siya ng kalayaan na gawin ang mga gusto niyang gawin "bilang tao at bilang artista."


Stories We Are Tracking

Is Maine Mendoza defending someone from bullies?
Is Maine Mendoza defending someone from bullies?
Maine breaks silence on rumored relationship with Arjo
Maine breaks silence on rumored relationship with Arjo
Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza
Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN