Aiko Melendez wants relationship with Mayor Jay Khonghun to be her last

IMAGE Arniel Serato

Aiko Melendez on why she and boyfriend Mayor Jay Khonghun click as a couple: "Siguro yung mga pinagdaanan naming pareho, yung pinagdaanan namin nung start nung relationship, yung pagmamahal namin sa isa't isa. And then yung love and respect na na-nurture namin."


Kung si Aiko Melendez at ang boyfriend niyang si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun ang masusunod, gusto nilang sila na ang magkatuluyan habang buhay.

Pahayag ng 43-year-old actress, "Happy kami, kasi yun din naman ang gusto namin, kasi we’re not getting any younger.

"And we’ve put so much effort, tears, blood, sweat, everything in this relationship. So, we want to make this work."

Inihayag din ni Mayor Jay na sana ay maging happily-ever-after ang kanilang pagmamahalan, na lagpas isang taon na nilang pinaghihirapang pagtibayin.

Pakiramdam daw nila ni Aiko ay nasa punto na sila ng kanilang buhay na wala na silang dapat alalahanin pa kundi ang maging masaya.

Sabi ni Mayor Jay, "And at the same time, ang dami na rin naman naming dinadaanang parehas. 

"And hindi na rin naman kami bumabata. Nagkaka-edad na rin kami.

"Gusto mo rin naman na magkaroon ng partner na stable na makakasama at makakasundo mo."

Ano nga ba ang nagpapatibay sa kanilang relasyon?

Tugon ni Aiko, “Siguro yung mga pinagdaanan naming pareho, yung pinagdaanan namin nung start nung relationship, yung pagmamahal namin sa isa’t isa.

“And then yung love and respect na na-nurture namin.

“'Tapos yung pakikisama ng mga taong mahal namin at importante sa amin, okay sa amin, so yun ang mahalaga.”

Masaya din si Aiko na kasali ang kinabibilangan niyang pelikulang Rainbow's Sunset sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Matagal-tagal na rin daw kasi mula nang maranasan niya iyong madalas siyang nakakalahok sa MMFF, kasama ang dating leading men niyang sina Aga Muhlach at Richard Gomez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang happy ako na meron akong entry ulit because, after a long time, lagi naming dinu-dominate ni Aga and Goma ang MMFF—yearly meron kaming entry, 'tapos na-stop na," balik-tanaw ni Aiko.

Dugtong ng aktres hinggil sa pagsali niya ulit ngayong taon, “So, finally, hindi ako mapapahiya sa entry namin sa MMFF, kasi sa cast pa lang namin itself, powerhouse cast talaga.

“So parang blessed talaga ako na naibigay itong project na ito sa akin.”

Bukod kay Aiko, ang iba pang cast members ng Rainbow's Sunset ay sina Eddie Gracia, Tirso Cruz III, Sunshine Dizon, Max Collins, Tony Mabesa, at Gloria Romero.

Ang istorya ng pelikula ay tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang lalaki hanggang sa kanilang pagtanda.

Sabi ni Aiko, “Yung theme nung movie, something unique. And, di ba, ang take lagi sa LGBTQ [lesbian, gay, bisexual, transgender, queer] ay parang parlorista.

"But in this movie, ang LGBTQ, hindi lang nangyayari sa squatters area or sa mga mahihirap na lugar.

"Pati pala sa mga prominenteng tao puwede ring mangyari, and you could be respected also if you handle the situation in the right way.”

Palabas na ngayong araw, December 25, ang Rainbow's Sunset sa mga sinehan sa buong Pilipinas.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN