John Lapus thankful for positive career changes in 2018

IMAGE File

Comedian John "Sweet" Lapus recounts how he hurdled his struggles and soon reaped the rewards of his successful reinvention as scriptwriter, director and theater playwright: "From being jobless, biglang nagkasunud-sunod ang work natin. Kaya lahat ng mga nangyayari sa buhay natin, yung mga pagsubok, may purpose."


Tunay na naging merry ang Christmas ng TV, film at theater actor/comedian na si John "Sweet" Lapus dahil maraming naging pagbabago sa kanyang career ngayong taon.

Kasama sa mga pagbabago sa kanyang career ay ang pagtupad sa mga pangarap niyang maging isang playwright, scriptwriter at director.

"Napakabait ng 2018 sa akin.

"Ang daming dumating na blessings na bigla-bigla.

"Naging playwright ako for CCP Virgin Labfest na Bagyolanda.

“I studied directing sa Cinemalaya Foundation.

“I became a movie writer for Pang MMK.

“I studied scriptwriting with Ricky Lee scriptwriting workshop.

“Naging movie director ako para sa Cinema One Originals official entry na Pang MMK, at naging TV director for Wansapanataym Presents: Switch Be With You.

"Kaya salamat Lord, dahil hindi lang isa ang binigay Mo kundi tatlu-tatlo pa talaga!" masayang kuwento ni Sweet nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger noong December 22.

STRUGGLES

Inamin nga ni Sweet na bago dumating ang lahat ng iyon ay nagkaroon ng konting struggle sa kanyang career.

"Umabot na ako sa point na nanawagan ako sa Facebook at text sa mga kaibigan kung may project, show or kahit raket lang.

"Noong wala akong trabaho, na-stress ako kapag katapusan kasi alam kong bayaran ng bahay.

"Pero naging mabilis at maayos ang mga pangyayari.

''Alam mong may Higher Being na nagdidirek ng buhay ko.

"From being jobless, biglang nagkasunud-sunod ang work natin.

"Kaya lahat ng mga nangyayari sa buhay natin, yung mga pagsubok, may purpose.

''It made me want to do more sa buhay ko," diin ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A DREAM FULFILLED

Itong taon ding ito ay natapos na ring bayaran ni Sweet ang nabili niyang bahay noong 2010.

Na-purchase ni Sweet ang kanyang three-storey townhouse noong kasalukuyang namamayagpag siya sa GMA-7. After eight years ay tapos na niyang mabayaran ito.

"Isa sa pinapasalamat ko at yung nabayaran ko na ang bahay ko this year.

"Nagulat ako noong sinabi ng bank. Iyak ako ng iyak. Paulit-ulit lang ako ng, 'Thank You Lord.'

"Lahat ng kaibigan ko tinawagan ako. Alam nila ang mga pinagdaanan ko.

"Bilib sila sa reinvention ko from being an actor to writer to director. Proud na proud sila sa akin.

"Sabi ko, hindi ko naman 'yon magagawa kung hindi din dahil sa kanila at faith kay God.

"Hindi ako sumuko. Kaya may hashtag akong #LabanSweet to remind my self na walang sukuan.

"With constant faith sa Panginoon, nagawa ko ang akala ko ay impossible.

''Walang imposible talaga kay Lord," pagpapatunay pa ni Sweet.

BUSY 2019

Sa pagpasok ng 2019 ay sunud-sunod na ang mga gagawing trabaho ni Sweet.

Lahad niya, "I will be directing again the next episode of Wansapanataym.

"Lalaki naman ang bida dito. Kakaiba siya. Isa siyang rom-com na punong-puno ng puso.

"Hopefully, makapagdirek ako ulit ng movie.

"Sumali ako ulit sa mga festival para may funding ang movie ko entitled Bingo! Ito yung final script ko sa Ricky Lee workshop."

Year of the Pig ang 2019, naniniwala ba si Sweet sa magiging suwerte niya?

"Well, sabi ng zodiac nitong 2018 ay may malaking pagbabago nga daw na magaganap sa akin. Ito na pala yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa nabasa ang for next year, e. Sana positive ulit!" panalangin niya.

LOVELESS BUT HAPPY

Pagdating sa lovelife ni Sweet, mas uunahin na lang daw niya ang sarili niya at ang mga taong nagmamahal sa kanya kesa sa isang lalake.

"Naku, hindi na 'ko umaasa.

"Mas mahal ko na ang sarili ko ngayon.

"'Tapos, bumabawi na lang din ako sa mga taong magmamahal sa akin.

"Dumarating pala talaga sa buhay ng isang tao na hindi mo na iintindihin ang lovelife, di ba?

"Mas importante ngayon ay ang sarili mo," deklara pa ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN