Gabbi Garcia quashes rumored transfer to ABS-CBN

IMAGE Instagram

Kapuso actress Gabbi Garcia responds to netizen spreading rumors that she plans to transfer to a rival TV network.


Itinanggi ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na lilipat siya sa ABS-CBN.

Nagsimula ang isyu nang mag-tweet ang isang netizen hinggil sa umano’y planong paglipat ni Gabbi sa Kapamilya network.

Ayon sa netizen, dapat daw ay hindi na isinama sa Christmas station ID ng Kapuso Network ang aktres dahil lilipat naman daw ito sa ABS-CBN.

Sabi pa ng netizen, nagsimula ang ispekulasyon hinggil sa diumano'y napipintong network transfer ni Gabbi mula sa isang online chismis site.

Mariing pinabulaanan ni Gabbi ang usap-usapang may balak siyang lumipat ng ABS-CBN.

Kalakip ang isang smile emoticon, tweet ng Kapuso actress, "Nope. Not true."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na napabalitang lilipat ng ibang TV network si Gabbi.

Noong Marso, nag-tweet si Gabbi ng "how 2 make the right decision."

Inisip ng netizens na indikasyon ito ng planong paglipat ng aktres sa ABS-CBN dahil sa paggamit ng number 2 sa kanyang tweet.

Mariin din itong pinabulaanan ni Gabbi sa isang interview.

Aniya, isang random tweet lang ang kanyang ginawa at walang ibang ibig sabihin.

Si Gabbi ay isa sa homegrown talents ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA, mula pa noong unang sumabak sa showbiz ang aktres noong 2014.


Stories We Are Tracking

Is Gabbi Garcia transferring to ABS-CBN?
Is Gabbi Garcia transferring to ABS-CBN?
Kapuso star Gabbi Garcia denies rumored network transfer
Kapuso star Gabbi Garcia denies rumored network transfer

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN