Sue Ramirez fights back against basher's bullying, harassing online

IMAGE @sueannadoodles on Instagram

Kapamilya atress Sue Ramirez tweets about being harassed by a persistent basher and issues a warning: "to everyone who has the nerve to bash people online, always take note that there are laws against cyber bullying. do not wait for us to fight back."


Umalma si Sue Ramirez dahil sa pambu-bully at pangha-harass sa kanya ng isang netizen via social media.

Nag-tweet si Sue noong December 20, Huwebes, kaugnay ng sunud-sunod na panlalait sa kanya ng netizen sa Instagram.

Tweet ng 22-anyos na aktres: "this account has been continuously bashing and harassing me on Instagram."

May paalala rin si Sue sa netizens na malakas ang loob na mang-bash.

"to everyone who has the nerve to bash people online, always take note that there are laws against cyber bullying. do not wait for us to fight back."

Kalakip ng tweet ni Sue ay screenshot ng mga mensahe ng basher.

Isinama rin ni Sue ang sagot niya sa basher, dahilan upang burahin daw ng basher ang kanyang mga komento.

Sa screenshot, mababasa ang mga nakaiinsultong salitang ginamit ng netizen para ilarawan si Sue.

Tinawag niya si Sue na maduming babae, walang career, at iba pang panlalait sa pagkababae ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilait din ng netizen ang itsura ni Sue.

Bahagi ng sagot ni Sue: "you have been harassing me for quite some time now and I don’t know what I have done to you for you to treat me this way.

"If you do not stop this bullying, I will take action against it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If it is not yet in your knowledge that there are laws against cyber bullying, then I am telling you now. STOP HARASSING ME."

Pagkalipas ng ilang araw, isang makahulugang tweet din ang ginawa ni Sue tungkol sa pambu-bully.

"No one in their right mind finds joy in hurting other people. #NoToBullying."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN