Magkahalo ang emosyong naramdaman ni Tirso Cruz III sa pagdiriwang ng unang Pasko ng kanyang pamilya na wala ang anak na si TJ Cruz.
Pumanaw ang anak ng beteranong aktor noong November 21 dahil sa sakit na cancer.
Ipinost ni Tirso, 66, ang larawan ng kanyang anak nitong Bisperas ng Pasko, December 24.
Kalakip nito ay ang mensahe para sa yumaong anak.
Mensahe niya para kay TJ: “GODly heavenly morning TJ. You must be getting ready up there for the greatest and most grandiose celebration of your first Christmas in heaven. Are you going to dance for the Lord?”
Pero pag-amin ni Tirso, hindi raw nila maiwasang makaramdam ng pangungulila.
“I’m crying as my heart is aching because you won’t be here with us for Christmas eve.
“But at the same time, I’m so happy for you my son.
“Have the most wonderful time celebrating Christmas eve, with the birthday celebrator our Lord Jesus Christ.
“please always keep us in your heart for you shall always be in ours. I miss you so much! I love you”
Binalikan naman ng asawa ni Tirso na si Lynn Ynchausti ang masasayang alaala ng kanyang pamilya sa mga nakaraang Pasko.
Ipinost ni Lynn ang ilang family pictures nila noong 2010 at 2017.
Anito, ibang-iba na ang kanilang magiging Pasko dahil wala na nga ang kanyang panganay na anak.
Gayunpaman, nananatiling positibo pa rin si Lynn.
Bahagi ng mensahe ng ina para sa anak: “May mga pagbabago ngayong Christmas 2018. Missing you TJ! You must be enjoying your first Christmas in heaven! I love you my son!
12-25-2018”