Buboy Villar says relationship with American live-in partner is for keeps

IMAGE @_angiloove Instagram

Buboy Villar on family life with American live-in partner Angillyn Gorens: "Planado na po lahat ng magiging buhay namin. May sarili na kaming bahay at may negosyo kaming sisimulan next year na isang bakery. Kaya wala kaming dapat na pagsisihan na hindi namin na-enjoy ang pagiging teenager namin."


Wala na raw mahihiling pa si Buboy Villar sa masayang buhay-pamilya nila ng American live-in partner niyang si Angillyn Gorens.

"Mahal na mahal ko ang dalawang babae sa buhay ko na si Angillyn at ang baby girl namin na si Vlanz Karollyn," nakangiting bungad ni Buboy.

Aminado si Buboy na marami pa rin ang nagugulat sa kaalamang may one-year-old baby na sila ng kanyang non-showbiz partner.

Ito ay sa kadahilanang 17 years old lamang si Buboy nang makilala siya bilang bida ng pelikulang Kid Kulafu, at nakagisnan siya bilang child actor sa mga nauna niyang proyekto sa showbiz.

Paglilinaw pa ng Otlum actor: "Naku po, 20 years old na po ako!

"Yung ibang tao kasi, nasanay silang napapanood ako na bata pa. Kaya feeling nila hindi ako tumanda.

"Well, kinulang po tayo sa height talaga at wala na akong magagawa pa roon.

"Natatawa na lang po ako minsan kapag tingin nila ay bata pa ako. Para lang daw kapatid ko ang baby ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Buboy sa media conference ng Otlum, sa Play Hub Events Place sa Quezon City, noong December 13.

Ang Otlum ay isa sa walong official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

LOVE AT FIRST SIGHT

Maaga man siyang nagkaroon ng pamilya, wala raw regrets si Buboy dahil walang-katumbas na saya ang dulot ng kanyang mag-ina.

Mula't sapul na nakilala niya si Angillyn ay sigurado na raw ang aktor na ito na ang gusto niyang makasama habang-buhay.

"Siya na talaga. Love at first sight talaga," balik-tanaw ni Buboy sa love story nila ni Angillyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging opisyal silang magkarelasyon noong February 2016 at naging magka-live-in noong taon ding iyon.

Kuwento pa ni Buboy, "Doon na nabuo yung dream kong magsama kami, magkaroon kami ng anak. Gusto namin apat pang anak.

"Planado na po lahat ng magiging buhay namin. May sarili na kaming bahay at may negosyo kaming sisimulan next year na isang bakery.

"Kaya wala kaming dapat na pagsisihan na hindi namin na-enjoy ang pagiging teenager namin."

Hindi na raw talaga sila mapaghihiwalay ng kanyang partner na si Angillyn.

Dagdag ng Otlum actor: "May mga nagsasabi nga na baka may makilala pa kaming iba, pero hindi, e. Si Angillyn na talaga.

"Siya lang ang para sa akin, at ako ay para lang sa kanya.

"Tapos na ang buhay-binata natin. Kahit nga crush wala na!"

Ipinaliwanag ni Buboy kung bakit mature na siya mag-isip, gayong karamihan sa mga kaedad niya ay ine-enjoy pa ang pagiging buhay-binata. 

"Bata pa lang po kasi ako, nakagisnan ko na ang nagtatrabaho.

"Hindi po kami mayaman kaya bata pa lang ay nagbanat-buto na ako para makatulong sa pamilya ko.

"Kaya yung pagiging bata, hindi ko talaga naranasan. Kasi mga nakakasama ko sa trabaho, puro matatanda.

"Bihira akong makapaglaro na kasama ang ibang kaedad ko, kasi pagod na ako sa trabaho. Hindi ko na-experience talaga ang maglaro.

"Kaya siguro yung pag-iisip ko, medyo nag-advance na dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay."

View this post on Instagram

kayamanang walang katumabas ????????

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on

NO WEDDING YET

Kailan nila balak magpakasal ni Angillyn?

Sagot ni Buboy, "Nauna kasing nabuntis si Angillyn, kaya pinagpaliban muna namin ang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, puwede naman po kaming magpakasal anytime. Pero siyempre, mas maganda kung nasa tamang panahon ang lahat.

"Siguro po, pinagkaloob muna ni Lord na magka-baby muna kami at sunod na ang pag-iisang dibdib namin."

Sa ngayon, uunahin daw ng couple ang pag-aasikaso sa papeles ni Angillyn, na bagamat dito na naninirahan sa Pilipinas ay nananatili pa ring American citizen.

"Pupunta siya sa States para ayusin ang papers niya at ng baby namin. Kailangan kasing ayusin lahat ng papers para na rin sa future ng baby namin, pagtatapos ni Buboy.


Stories We Are Tracking

Buboy Villar admits living with American girlfriend
Buboy Villar admits living with American girlfriend
Former child actor Buboy Villar is now a daddy!
Former child actor Buboy Villar is now a daddy!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN