PEP YEARENDER: Breakout Stars of 2018

IMAGE Noel Orsal

(L-R) Barbie Imperial, Yam Concepcion, Kyline Alcantara, and Tony Labrusca are just some of the celebrities who got noticed this year.


Sa showbiz, madalas marinig na upang sumikat ang isang artista, kailangan lamang ng tamang oportunidad upang mapansin.

Ang oportunidad ay maaaring isang proyekto, o kaya naman ay tamang role, na magpapakita ng kanyang talento.

Sa pagtatapos ng 2018, narito ang listahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang artista at celebrity na nabigyan nga ng pagkakataon, nagpakita ng galing, at nakakuha ng atensyon para lalong makilala.

1. YAM CONCEPCION

Nagsimula si Yam, 30, sa pagganap sa supporting roles.

Halos isang dekada na siya sa showbiz at marami-rami na rin ang nagawang TV and movie projects.

Ngunit ngayong taon, naging household name si Yam dahil sa role niyang si Jade, sa ongoing ABS-CBN prime-time teleseryeng Halik, na pinagbibidahan din nina Sam Milby, Yen Santos, at Jericho Rosales.

Tumatak ang kanyang role sa serye, na isang may-asawang pumatol sa isang may-asawa rin.

Ang mahusay na pagganap ni Yam ay umani ng inis at papuri mula sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukambibig din ng karaniwang tao ang pangalang Jade, na ngayon ay inuugnay sa pagtataksil. Marami namang memes ang lumabas sa social media, tampok ang mga larawan ni Yam bilang Jade, kung ang paksa ay tungkol sa pakikiapid.

Inamin ni Yam, sa isang interview ng PEP.ph, na marami siyang nakukuhang hate messages.

Gayunpaman, masaya raw siya sa mainit na feedback sa kanyang pagganap.

“Pero, hindi ko akalain na aabot sa ganito, na talagang sobra na yung hate, na yung iba pinepersonal na!

"But you know, I'm very happy that our show is getting good reviews, maraming sumusubaybay sa show namin, at saka natutuwa din ako kasi na-a-appreciate ng tao yung hard work na binibigay naming lahat para mapaganda yung show,” ani Yam.

Sa mga teleserye, napanood si Yam sa FPJ’s Ang Probinsyano, Langit Lupa (2016), Pure Love (2014), at Dugong Buhay (2013).

Sa pelikula naman, bumida siya sa rom-com na Amnesia Love (2018) at adult movie na Rigodon (2012), at naging supporting cast sa This Time (2016), The Unkabogable: Praybeyt Benjamin (2011), at Won’t Last A Day Without You (2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

2. BARBIE IMPERIAL

Hindi pinalad na manalo si Barbie, 20, sa Pinoy Big Brother: 737 noong 2015.

Pero sa kabila nito, isa ngayon ang Bicolana sa mga napapansin sa showbiz. Mas nakikilala na nga siya kumpara sa mga ka-batchmate sa PBB na nanalo o runners-up.

Naging certified leading lady material si Barbie nitong 2018, nang makapareha si JM de Guzman sa Kapamilya afternoon series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na tumakbo mula Abril hanggang Oktubre ngayong taon.

Pagkatapos ay bumida si Barbie sa fantasy anthology na Wansapanataym, sa episode series na Switch Be With You, na nagtapos nitong December 2018.

Malayo na ang narating ni Barbie, lalo pa’t hindi ito seryoso nang mag-audition para sa PBB.

“Nung audition sa PBB, trip din lang ang pag-audition ko sa PBB—parang makasabay lang sa uso, parang ganon,” kwento ni Barbie sa PEP.ph noong Mayo 2018.

Sa dinami-dami raw ng nag-audition, hindi nga siya makapaniwalang napili siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nabigla rin ako. Grabe nakapasok ako, ang dami [nila]!”  

Si Barbie rin ang unang lumabas ng PBB house, at akala niya'y doon na magtatapos ang lahat.

“Nagulat din ako kasi first evictee ako, e. Parang akala ko wala na talaga.”  

Nakasama rin si Barbie sa teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2017, ang La Luna Sangre.

Nakapukaw rin ng pansin ang husay sa pag-arte ni Barbie, sa marami-raming single episodes na ginawa niya sa Ipaglaban Mo! at sa Maalaala Mo Kaya, sa loob ng tatlong taon.

View this post on Instagram

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

3. KYLINE ALCANTARA

Nagsimula bilang child star sa ABS-CBN, nabigyan ng break si Kyline nang lumipat sa GMA-7 noong 2017.

Bumida agad siya sa prime-time teleseryeng Kambal, Karibal, kasama si Bianca Umali.

Marami ang humanga sa husay ni Kyline nang gumanap ito sa bida-kontrabida role ng Kapuso teleserye, na umere nang halos isang taon, mula Nobyembre 2017 hanggang Agosto 2018.

Muling nakatakdang bumida si Kylie sa upcoming Kapuso teleserye na Inagaw na Bituin nitong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m overwhelmed po sa lahat ng nangyayari sa akin, sa amin, ngayon.

"Sana po magtuluy-tuloy at na-e-enjoy ko siya at ayoko pong mawalan ng trabaho, to be honest!" bulalas ni Kyline sa isang interview na lumabas sa PEP.ph noong Mayo 2018.

View this post on Instagram

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

 

4. FRANCINE DIAZ

Napapanood ngayon ang 16-anyos na Caviteña sa ABS-CBN afternoon teleserye na Kadenang Ginto, kasama sina Andrea Brillantes, Dimples Romana, Beauty Gonzalez, at Albert Martinez.

Pero bago nito, maraming nagtatanong kung sino nga ba si Francine, lalo pa’t baguhan ito sa showbiz at puro special participation lang ang mga ginampanan niya.

Gumanap siya bilang batang Erich Gonzales sa 2017 teleseryeng Be My Lady at batang Kim Chiu sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin (2017).

Kaya naman laking-gulat niya nang mabigyan siya ng lead role sa Kadenang Ginto.

“Tinext kami na magkakaroon ng story con. Ang pagkakaintindi ko sa text, sasabihin sa ‘kin kung ano ang gagawin ko as a young role, kasi yun po ang lagi kong nakukuhang role. As in, palaging bata,” pahayag ng dalagita sa isang episode ng Magandang Buhay nitong Oktubre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pagdating ko, habang kinukuwento, nalaman ko na isa ako sa mga bida! So, nagulat ako.

“Talagang habang nagso-story com kami, nag-thank you agad ako kay Jesus.

“Pinipigilan ko ang luha ko, kaso sobra akong nao-overwhelm.”

 

View this post on Instagram

A post shared by Francine Diaz (@binibinifrancinediaz) on

5. SOPHIE ALBERT

Rebelasyon si Sophie Albert sa kanyang role sa Kapuso prime-time series na Pamilya Roces, na nagtapos nitong December 2018.

Liberated woman ang role ni Sophie, na malayo sa kanyang totoong personalidad.

Kaya naman marami ang na-impress sa kanyang pagganap sa proyekto.

Taong 2017 lamang nang maging Kapuso artist si Sophie.

Aniya, masaya siya sa takbo ng career ngayon, kahit na pakiramdam niya'y nagsisimula siya uli.

“I’m starting from scratch again since moving to GMA.

"I’m pretty happy with the [way] things are going now. I feel like the show is really opening, getting me out of my shell.

“That’s all I asked for naman—to be continuously working and to be learning,” sabi ng aktres sa PEP.ph noong Oktubre 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula si Sophie sa showbiz nang manalo ito sa reality-based artista search na Artista Academy ng TV5 noong 2012.

View this post on Instagram

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert) on


6. JO BERRY

Maituturing na "small but terrible" si Josephine “Jo” Berry.

Si Jo ay may kondisyong achondroplasia o dwarfism.

Ngayon ay kasabayan niya sa pag-arte si Superstar Nora Aunor at ang stage-movie actress na si Cherie Gil sa GMA-7 prime-time series na Onanay.

Baguhan man sa showbiz, lead role agad ang ibinigay kay Jo, at isinulat pa ito para sa kanya.

“Pinatawag po nila ako sa GMA nung February pa, 'tapos sinabi nila kung tungkol saan yung story. Gusto ko daw po ba kasi it was written for me,” sabi ng aktres sa interview niya sa Tunay na Buhay noong Setyembre 2018.

Sa kasalukuyan ay umeere pa rin ang Onanay, na nagsimula noong Agosto 2018.

Higit pa sa palabas, masaya raw si Jo—pati na ang mga taong may kagaya niyang kondisyon—sa adbokasiya ng kanilang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapa-thank you sila, kasi nag-change daw po ang tingin sa may mga dwarfism. Siyempre, kung kukuha man ako ng feedback, sa kanila galing yun dahil sila ang nakaka-experience,” ani Jo sa PEP.ph nitong Oktubre.

 

View this post on Instagram

A post shared by Jo Berry (@tinyhedwig) on

7. TONY LABRUSCA

Mula sa pagiging aspiring singer, matagumpay na nakatawid sa pag-arte si Tony Labrusca, 23.

Umabot lamang bilang finalist si Tony sa Kapamilya reality-based boyband search na Pinoy Boyband Superstar noong 2016-2017.

Nagsimula ang swerte ni Tony nang maging ka-love triangle siya sa team-up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Kapamilya prime-time series na La Luna Sangre noong 2017.

Dito nagsimulang mapansin si Tony.

Ngunit pinag-usapan talaga siya sa social at mainstream media nang makatambal niya si Angel Aquino kamakailan lamang. Ito ay sa digital movie na Glorious, na tungkol sa isang May-December affair.

Lumaki sa Amerika si Tony, pumunta ng Pilipinas, at pinangarap pasukin ang showbiz upang matulungang maiahon ang pamilya.

“Ngayon naa-amaze ako, na alam ko, kahit hindi kami mayaman nung bata ako, binigyan ako ni Lord ng chance ngayon na ako naman ang mag-provide ng lahat ng mga pinangarap ko nung bata ako,” ani Tony sa kanyang panayam sa Magandang Buhay noong Hunyo 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong 2019, nakatakdang magbida sa isang prime-time teleserye si Tony, kasama sina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria.

View this post on Instagram

A post shared by Tony Labrusca (@tony.labrusca) on

8. KYLIE VERZOSA

Gaya ng maraming beauty queen, si Kylie Verzosa ay isang title-holder na tumawid sa showbiz.

Kinoronahang Philippines Miss International 2016, pinasok na rin ni Kylie ang pag-aartista at nakagawa na ng ilang pelikula.

Dalawa ang naging pelikula ni Kylie ngayong 2018: ang Kasal, kasama sina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paulo Avelino; at Abay Babes, kasama sina Roxanne Barcelo, Nathalie Heart, at Cristine Reyes.

Siya ang leading lady ni Jake Cuenca sa ongoing Kapamilya afternoon teleserye na Los Bastardos.

Nakatakda ring gampanan ni Kylie ang isang original fictional superhero, si Osyana, sa 2019.

Bagamat naninibago pa rin sa showbiz, sinabi ni Kylie na nae-enjoy niya ang karanasan.

“I’m still adjusting. I would say nahirapan ako nung una, especially the long hours, so I have even more respect for actors and their craft—very disciplined and focused.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tuloy-tuloy pa rin yung workshops, but I’m enjoying it naman,” kwento pa niya sa PEP.ph noong Nobyembre 2018.

View this post on Instagram

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

9. MARCO GUMABAO

Nakaagaw-pansin si Marco Gumabao ngayong 2018 dahil sa kanyang physical transformation.

Naging physically fit ang aktor at lalong lumakas ang appeal.

Kasabay ng kanyang transformation ay ang pagdami ng proyekto.

Ngayong 2018, nakagawa ang 24-anyos na aktor ng tatlong pelikula: ang Abay Babes; Para sa Broken Hearted; at ang Metro Manila Film Festival entry na Aurora, bilang leading man ni Anne Curtis.

Bukod pa rito, isa rin siya sa lead stars ng ongoing ABS-CBN teleserye na Los Bastardos.

Nagsimulang magkaroon ng maraming proyekto si Marco nang lumipat ng management.

Noong 2017, nilisan ni Marco ang Star Magic matapos ng limang taon, at lumipat sa Viva Artists Agency.

Inilarawan niya ang paglipat bilang “good career decision.”

Aniya, “When I told [Star Magic], 'parang I think I wanna do more,' naiintindihan din naman nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, you can’t blame them naman din kasi marami rin naman kasing nasa Star Magic.

“So, minsan you can’t blame them kung di ka nila nasasama sa bagong shows.

“So, I said, siguro it’s best if I transfer management na makaka-push sa akin.”

Sa susunod na taon ay may dalawang siguradong pelikula nang gagawin si Marco.

View this post on Instagram

A post shared by Marco Gumabao (@gumabaomarco) on

10. KELSEY MERRITT

Gumawa ng kasaysayan ang 22-anyos na Filipino-American model bilang kauna-unahang Pilipina na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show nito lamang December 2018.

Dahil dito, na-feature si Kelsey sa kilalang international online magazine sites, kagaya ng Vogue.

Umabot na rin sa mahigit isang milyon ang followers ng modelo sa Instagram, at nagkaroon ito ng mas maraming endorsements.

View this post on Instagram

A post shared by Kelsey Merritt (@kelseymerritt) on


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN