Juancho Trivino hints at true feelings for Joyce Pring: "Aalagaan ko siya."

Nagkakamabutihan na nga ba sina Juancho Trivino at Joyce Pring?

Ito ang tanong ng netizens at showbiz colleagues dahil na rin panay ang post nila sa Instagram ng kanilang bonding moments.

Nito lang December 24, naging tampulan ng panunukso sina Juancho at Joyce matapos ibahagi ng dalaga ang litrato na kuha sa kanilang coverage sa isang theme park sa Antipolo. 

May caption itong: "Pasko na bukas, Noche Buena mamaya.

"Madami nang mga handaan sa hapagkainan.

"Sa sobrang dami, pati yung puso ko naka handa na din. [gift emoji] Charot."

Sina Juancho at Joyce ay magkatambal bilang co-hosts sa isang lifestyle segment sa GMA public affairs program na Unang Hirit.

Sabi ng isang netizen kay Joyce, "finally" ay happy heart na ulit ang dalaga.

Sagot ni Joyce, "grabe naman kayo maka finally guys!!! Hahahaha"

Bukod dito ay may Instagram Story din ang dalawa kung saan makikitang sinasabayan nila ang kanta ni Mariah Carey na "All I Want For Christmas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinuturo ni Juancho si Joyce habang nagma-mime ng linyang "All I want for Christmas is you."

Hirit naman ni Joyce, "Tapos na ang Christmas, but I still want you."

Kahapon, December 27, may Instagram post si Juancho ng collage ng wacky photos nila ni Joyce.

Caption dito ng binata, "Tag niyo ung kakilala niyong nagagalit pag nag popost kayo ng topless pic."

View this post on Instagram

Tag niyo ung kakilala niyong nagagalit pag nag popost kayo ng topless pic ????

A post shared by Juancho Trivino (@juanchotrivino) on

Isang netizen ang nagtanong kay Juancho kung sila na ba ni Joyce.

Sagot ni Juancho, "crush ko palang siya ate hehe."

Nagkomento rin ang Kapuso artist na si Ashley Rivera na tila "nagkakadevelopan na talaga" sila.

Sagot ulit ng aktor, "Crush niya palang ako ata."

Nangako rin si Juancho sa isa pang netizen na "aalagaan" niya si Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLUES TO BREWING ROMANCE?

Minsan nang nagbiruan ang dalawa na baka sila ang magbibigay-kulay sa buhay ng isa't isa.

Nagpahiwatig pa si Juancho na posibleng senyales ng pagbabago sa kanyang love life kapag nagkakulay na ang black-and-white niyang Instagram feed.

Hanggang sa noong December 19, nag-post si Juancho ng colored photo nila ni Joyce na kuha sa Bataan, kaya lalong nagkaroon ng espekulasyon kung nagkakamabutihan na nga ba sila.

Maliban sa makahulugan na palitan ng mensahe ng dalawa ay wala pang direktang kumpirmasyon hinggil sa estado ng kanilang relasyon. 

Ang sabi lang ni Joyce, "Plot twist."

Sagot ni Juancho, "time table ruined."

Paglilinaw naman ni Joyce, "**adjusted, hindi na ruined."

Sang-ayon ni Juancho, "Balanced na ang balance sheet."

Nauna na ring inamin ni Juancho na fan siya ni Joyce at nagpakuha pa siya ng litrato sa dalaga five years ago.

Bago naging certified Kapuso artist si Joyce noong 2017, nauna itong nakilala bilang radio jock at online content creator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Juancho sa kanyang Instagram post nitong November 29, 2018: "Oops! Nag pa picture po ako sakanya 5 years ago.

"Tapos ngayon, nasa tabi ko na siya palagi.... sa tv.

"Hello @joycepring yung pinag usapan natin ha."

DATING HISTORY

Parehong single sina Juancho at Joyce.

Si Juancho ay huling naugnay sa kaibigan at dating Destined To Be Yours co-star na si Maine Mendoza.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Juancho noong September 2018, nilinaw niyang single siya mula nang maghiwalay sila ng kanyang non-showbiz girlfriend bandang October 2017.

Ang huling nakarelasyon ni Joyce ay si Sam YG. Tinuldukan nila ang apat na taon nilang relasyon noon ding October 2017.


Stories We Are Tracking

Juancho refuses to comment on Maine-Arjo rumored romance
Juancho refuses to comment on Maine-Arjo rumored romance
Juancho Trivino on bashers:
Juancho Trivino on bashers: "Sanay ako dun."
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Maine, Jake Ejercito, celebs flock to LANY concert
Maine, Jake Ejercito, celebs flock to LANY concert


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN