Richard Merk in critical condition; family asks for prayers

IMAGE Facebook

"His physical health is deteriorating and his mental and emotional health is very weak. He can't seem to find strength and love from the most important people in his life. But the good news is, God is Good! And God doesn't forsake. He forgives and heals," says Richard Merk's sister Rachel Anne Wolfe, who posted about the singer-actor's health.


Kasalukuyang naka-confine sa ospital at kritikal ang kondisyon ng jazz singer-actor na si Richard Merk, 64.

Ang kanyang kapatid na si Rachel Anne Wolfe ay humingi ng dasal mula sa mga kaibigan at kasamahan ni Richard sa showbiz upang mapabilis ang paggaling nito.

Sabi ni Rachel sa kanyang Facebook post, kahapon, December 28:

"My brother Richard Merk has been in show business for over 50 years.

"I don’t post about serious topics but this time I feel as though I need to say my piece.

"He is in ICU at Medical City and once more fighting his own battle with 'Life'."

Hindi binanggit ni Rachel kung ano ang karamdaman ni Richard, pero ipinahiwatig niyang malubha ang sakit ng kapatid.

Patuloy ng kapatid ng singer-actor: "My brother is once again in the midst of all things that can possibly destroy one’s life.

"His physical health is deteriorating and his mental and emotional health is very weak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He can’t seem to find strength and love from the most important people in his life."

Sa ngayon, nananalig daw ang kanilang pamilya na malalampasan ni Richard ang panibagong health issue na kinahaharap nito.

"But the good news is, God is Good! And God doesn’t forsake. He forgives and heals.

"And my brother is trying to turn his life around.

"As the new year rings, I pray that he will get through all negativity that surrounds him and pray for the chance to be renewed once more."

Noong December 23, nakapag-post pa sa Facebook si Richard ng kanyang Christmas greeting para sa mga kaibigan at kaanak.

Lahad niya, "FOR THIS 2018TH CHRISTMAS....MY WISHES ARE....A BLESSED LIFE TO ALL...HEALING TO ALL TO ALL THOSE WHO ARE SICK....

"HELP TO ALL THOSE WHO ARE IN NEED AND FORGIVENESS FOR THE UNFORGIVEABLE!!! GOD IS GREAT!! GOD LOVES [hearts and prayers emojis]. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng limang araw ay saka naman nag-post ang kapatid na si Rachelle na mayroon palang karamdaman ang singer-actor.

Noong 2016, napabalitang nadisgrasya si Richard sa isang vehicular accident at muntik pang ma-amputate ang kanang paa dahil sa kanyang diabetic condition.

Isang taong bed-ridden si Richard at sumailalim sa therapy noong 2017, hanggang sa nalampasan din niya ang karamdamang iyon.

Sina Richard at Rachel ang mga anak ng respetadong Pinay jazz icon na si Annie Brazil.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN