Barbie Imperial insists she and JM de Guzman not yet an item

IMAGE @1migueldeguzman on Instagram

Barbie Imperial insists that she and JM de Guzman are not yet in a relationship. JM, on the other hand, posts a sweet photo with Barbie on Instagram.


Iginiit ni Barbie Imperial na hindi pa sila magkarelasyon ni JM de Guzman.

Base ito sa kanyang tweet kahapon, December 29.

Nag-quote tweet si Barbie ng tweet ng isang netizen, kung saan nag-post ito ng video clip mula sa iWant original program na IKR: I Know Right.

Ayon sa video clip, naging magkarelasyon sina Barbie at JM, nag-away, nagkabati, at ngayon ay nagkabalikan na.

Sabi ni Barbie tungkol dito, "Uy hindi pa po kami ni JM ah! Hahahaha"

Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawa na pinag-usapan sa social media

Inulan ng pambabatikos si JM matapos akusahan ng ilang netizens—kasama ng fans ng kanilang love team—na pinaasa nito si Barbie na nagkakamabutihan sila, gayong may ugnayan din diumano ang aktor kay Rhian Ramos.

Si Rhian ay naging leading lady ni JM sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala, na ipinalabas nitong nakaraang Nobyembre.

Mariing pinabulaanan nina JM at Rhian ang pang-iintriga sa kanila at sinabi nila sa hiwalay nilang mga pahayag na magkaibigan lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit nitong December 19 ay mukhang nagkaayos na ang dalawa matapos mag-post ni Barbie ng litrato nila ni JM sa Instagram, kung saan sweet si JM habang pabirong naka-roll eyes naman si Barbie.


Stories We Are Tracking

Barbie posts photo with JM after social media controversy
Barbie posts photo with JM after social media controversy

JM POSTS PHOTO WITH BARBIE

Ngayong Linggo, December 30, nag-post naman si JM ng litrato kasama si Barbie.

Makikita sa litrato na binibigyan ni JM si Barbie ng isang heart-shaped pretzel habang nakangiti sila sa isa't isa.

Ang caption naman ni JM sa kanyang post ay isang bahagi ng kanta ni John Mayer na may titulong "Friends, Lovers Or Nothing."

Saad ni JM sa kanyang caption, "'Friends? Lovers? or nothing? There can only be one.'- J. Mayer @msbarbieimperial"

Nag-comment sa post ni JM ang co-stars nila sa Precious Hearts Romances: Araw Gabi na sina Jane Oineza, Rita Avila, at Vina Morales.

Sabi ni Jane, "Ayun na nga po. Iba din naman."

Comment naman ni Rita, "Hello mga palitaw kong anak. Lulubog Lilitaw. Suspense Thriller. Aso’t pusa. Opposite poles attract naman. Tantantanaaaan. Tantantanaaaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Vina, "Ayiyiiiiii [heart eyes emoji] hahaha magpakita kayo after New Year"

Magkasama rin sina JM at Barbie sa Instagram story ni Barbie, kasama ang kaibigan nilang si Cholo Barretto.

 IMAGE @1migueldeguzman Instagram story
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @1migueldeguzman on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN