Kapamilya star Vice Ganda reveals he is still a fan of Kapuso actor Dingdong Dantes

IMAGE Allan Sancon

Vice Ganda (left) reveals it is a dream-come-true to have finally worked with Dingdong Dantes (right).


Inamin ng Kapamilya star na si Vice Ganda, 42, na hanggang ngayon ay tagahanga pa rin siya ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes, 38.

Nagkasama at nagkatrabaho ang dalawa sa Fantastica, isang Metro Manila Film Fest (MMFF) entry nitong 2018.

Ginawa ni Vice ang pag-amin sa pamamagitan ng isang comment matapos mag-post sa Instagram ni Dingdong tungkol kay Vice nitong weekend.

Bahagi ng mensahe ni Vice kay Dingdong: “[I]sa ka sa mga hinahangaan at inaasam na makita kong artista noon pa man. At hanggang ngayon palihim akong sumusulyap sayo tulad ng isang pangkaraniwang fan…”

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dingdong ang mga kwento sa kanya ni Vice bago siya lubusang sumikat sa showbiz.

“Naikwento sa akin ni @praybeytbenjamin na not so long ago, kasama siya sa libu-libong mga tao na nag-aabang ng MMFF caravan na dumadaan sa may FEU.

“Katulad din ng marami, sobrang nabibighani siya tuwing may dumadaan na mga gumaganap sa pelikula, at di niya nalilimutan yon,” post ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tignan mo naman ang tadhana— ang dating kumakaway bilang manonood ay siya nang kumakaway mula sa float na tinitingalaan ng marami.”

Dagdag pa ni Dingdong, natuklasan niya kung bakit marami ang nagmamahal kay Vice.

“Maraming salamat, Vice, at nabigyan ako ng pagkakataon na malaman kung bakit ka ngn ba minamahal ng milyon-milyon nating mga kababayan.

“Pagkatapos ng experience kong katarabaho ka, nasabi ko na sa sarili ko, ‘ah...kaya naman pala.’ You give so much of yourself to that difficult quest of entertaining people who need it the most— at the place, and at the right time. Sabi nga ni PT Barnum, “The noblest art is that of making others happy.” Hindi siya madali, but you always wing it. Congratulations, Fantastic ka!”

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

VICE RESPONDS

Sumagot naman ang It’s Showtime host sa comments section.

Pag-amin niya, noon pa man ay fan na siya ni Dingdong at dream-come-true raw makatrabaho niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buong mensahe ni Vice kay Dingdong: “Mula noon hanggang ngayon isa akong tagahanga. At isa ka sa mga hinahangaan at inaasam na makita kong artista noon pa man. At hanggang ngayon palihim akong sumusulyap sayo tulad ng isang pangkaraniwang fan at idagdag pa ang pagkataranta ko ng dumating ang asawa mong si Marian sa set. Napakapalad ko na ang isang fan na tulad ko ay nakakapiling at nakakatrabaho na ang mga artistang hinahangaan ko. Nagkakatotoo talaga ang pangarap. Salamat sa pagkakataon!!!!! At CONGRATULATIONS sa ating lahat. Tagumpay tayo!!!!!”

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN