Stella Marquez-Araneta on Miss Universe Philippines franchise: "It's still with us."

IMAGE Courtesy: @philippinepageantry on Instagram

Stella Marquez-Araneta (right) takes a souvenir photo with Miss Universe 2018 Catriona Gray (center), minutes after her coronation in Bangkok, Thailand last December 17, 2018. Also with them is Stella's husband, Jorge Araneta (left). 


Kinumpirma ni Stella Marquez-Araneta na ang Miss Universe Philippines franchise ay nananatiling pag-aari ng kanyang pinamumunuang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI).

Sa panayam ng ilang miyembro ng media ngayong Huwebes, January 3, sinabi ni Stella na hindi niya alam kung saan galing ang mga balitang inalok na ng Miss Universe Organization (MUO) ang franchise nito sa kumpanya ni dating Ilocus Sur Governor Luis Chavit Singson na LCS Group.

"Well, it's still with us.

"If some people are saying something else, let them talk about it, but I have not heard [any news of that sort from MUO].

"I was with the people of Miss Universe. Well, I have bonding with them for many years."

Naging usap-usapan bago magtapos ang taong 2018 na inalok diumano ng MUO kay Chavit ang Philippine franchise ng Miss Universe.

Pero, sa panayam kay Chavit, sinabi niyang hindi pa niya ito tinanggap.

Pinag-iisipan pa raw niya kung mananatili na lamang siyang pageant sponsor o tatanggapin ang alok ng MUO na pamunuan ang Miss Universe Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ang tanging sigurado ay si Chavit at ang kanyang pag-aaring LCS Group ang magpi-finance ng ika-68th Miss Universe, na gaganapin ngayong 2019 sa South Korea.

Naging malapit si Chavit sa MUO dahil sa matagumpay nitong paghawak sa ika-65th Miss Universe, na ginanap sa bansa noong 2016.

Ito ang dahilan kung bakit ang anak niyang si Richelle Louise Singson-Michael, na chief executive officer ng Platinum Skies Aviation, ay napiling isa sa mga hurado sa kakatapos na 67th Miss Universe sa Bangkok, Thailand, nitong December 17, 2018.

Ang kandidata ng Pilipinas na si Catriona Gray ang itinanghal na Miss Universe 2018.


Stories We Are Tracking

Chavit Singson to finance Miss Universe 2019 in South Korea
Chavit Singson to finance Miss Universe 2019 in South Korea


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN