Nicko Falcis says Kris Aquino owes him PHP20M "unpaid commissions"

IMAGE Instagram

According to Nicko Falcis, the earnings of Kris Aquino from brand deals he negotiated for her reached P111,650,000, and are expected to reach more than P200,000,000 by the end of 2018.


 

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Paano nga ba nagtagpo ng landas si Kris Aquino, 47-taong-gulang, celebrity, TV host, at aktres, at si Nicko Falcis, 35-taong-gulang, financial whiz, university lecturer, at certified public accountant?

Paano naging managing director si Nicko, na low-key at pribado, ng Kris C. Aquino Productions (KCAP), na pagmamay-ari ng isa sa mga pinakakilalang personalidad sa bansa? 

Tinalakay ni Nicko ang mga katanungang ito sa kanyang Counter-Affidavit, na nagpapabulaanan sa reklamo ni Kris na 44 beses siyang dinaya at ninakawan ng kanyang managing director. 

Sinimulan ito ni Nicko sa pagpapapakilala sa sarili.

Si Nicko, ayon sa sariling affidavit, ay may ganitong credentials:

Isa siyang Certified Public Accountant.

May hawak siyang Masters of Science Joint Degree in Global Finance mula sa Hong Kong University of Science and Technology Business School at sa New York University Stern School of Business.

Siya ay naging iskolar sa kinikilalang premier state university ng bansa, ang University of the Philippines sa Diliman, kung saan graduate siya ng Bachelor of Science Degree in Business Administration and Accountancy, cum laude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin siyang Senior Lecturer sa UP Cesar E.A. Virata School of Business.

Chief Marketing Officer siya ng CINCO Corporation, isang personal financial adviser ng ilang katao, at franchiser ng walong sangay ng Potato Corner.

Sa kanyang bakanteng oras, ibinabahagi raw ni Nicko sa iba ang kanyang kaalaman tungkol sa “livelihood, online media, non-commercial endeavors, and personal advocacies.”

Pagpapakilala pa ni Nicko sa sarili, “I come from humble beginnings, was raised to be a decent, law-abiding person and was taught to always give every man his due, be honest and deal with people in good faith.”

HOW NICKO MET KRIS

Taong 2016, isang common friend ang nag-ayos ng meeting nina Nicko at Kris.

Paglalahad ni Nicko sa Counter-Affidavit na isinumite sa mga siyudad ng Pasig at Taguig noong Disyembre 17, 2018: “I was told that Aquino wanted to meet me and explore the possibility of engaging my services in connection with her career as an entertainer and product endorser.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa meeting, ipinaalam daw ni Kris na kailangan niya ng talent agent dahil hindi na siya nirerepresenta ng dalawa niyang dating talent agents, na humahawak ng kanyang TV-work-and-endorsement contracts at movie contracts.

Hindi pinangalanan ni Nicko kung sino ang dalawang dating talent agents ni Kris.

Ngunit sa pagkakaalam ng PEP.ph, ang mga dating namamahala sa projects at endorsements ni Kris ay ang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal at ang TV host-talent manager na si Boy Abunda.

Pagpapatuloy ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit, kailangan daw ni Kris ng isang talent agent na gamay ang online media.

Ito ay dahil hindi na nakakontrata si Kris sa ABS-CBN bilang TV talent, at wala na siyang regular na TV exposure.

Noong September 2016, umalis si Kris sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos ng 22 taon.

Sunod nito ay napabalitang pumirma siya ng managerial contract sa Triple A, na pag-aari ng president at CEO ng APT Entertainment na si Antonio Tuviera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nito ay umugong ang usap-usapang magkakaroon ng TV show si Kris sa GMA Network.

Ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan, napabalitang umalis na si Kris sa Triple A sa hindi pa malinaw na dahilan.

Hindi rin natuloy ang pagbabalik ni Kris sa telebisyon, bagamat nagkaroon ito ng travel special na ipinalabas sa GMA-7.

RESURRECTING KRIS AQUINO’S CAREER

Nagtrabaho si Nicko bilang talent agent ni Kris sa loob ng 18 buwan o isa’t kalahating taon.

“I regarded Aquino as a client, a business associate and friend. I served her with dedication and care as if she were family,” sabi ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit.

Noong April 6, 2017, inatasan daw ni Kris si Nicko na kumuha ng endorsement contracts para sa TV host-actress at para sa KCAP.

Tinulungan din daw ni Nicko si Kris sa paglunsad ng career nito sa digital media.

Sa sariling salita ni Nicko: “I formulated a viable and profitable strategy for social media as her platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I transformed KCAP into a savvy media agency for brands to better appreciate Aquino specially in sealing brand endorsements and deals. 

“I created a very strong business model for entertainment and advertisement, to promote Aquino as a ‘millennial mom’ and ideal brand endorser or advertising model. 

“I led a team to produce great digital content and a unique business model that was very attractive to brands and businesses.”

Ang layunin daw ni Nicko ay muling buhayin ang career ni Kris.

Upang maisakatuparan ito, ayon kay Nicko: “I met with representatives of prospective brands and businesses, I contacted brand agents and persuaded them to consider Aquino as their brand endorser, negotiated Aquino’s contracts and secured for her the best possible terms, discussed the draft contracts with Aquino and referred the drafts to her legal counsel for their review and approval, and, thereafter, finalized the contracts."

Liban dito, tiniyak din daw ni Nicko na protektado si Kris, “I would also make sure that Aquino, and the brands and businesses, complied with the terms of their contracts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbunga naman daw nang maganda ang efforts nito.

Sa loob ng 18 buwan nang pagtatrabaho niya bilang talent agent ni Kris, nakapagsara raw si Nicko ng maraming kontrata para sa aktres.

Sa kasalukuyan ay mayroong 50 brands na nakakabit sa pangalan ni Kris, na itinuturing na “one of the most popular brand endorsers in the country.”

Dahil dito, ayon kay Nicko, nalampasan ng kita ng KCAP ang kinita ni Kris bilang TV talent sa magkahambing na panahon.

Sa kabuuan daw, ang kinita mula sa brand deals na ipinasok ni Nicko ay umabot sa P111,650,000, at inaasahang aabot sa mahigit P200,000,000 ang kikitain ni Kris sa pagtatapos ng 2018.

Si Kris pa rin ang nagdedesisyon sa lahat ng may kinalaman sa career at negosyo nito, paglilinaw ni Nicko.

Bagamat humihingi si Kris ng payo kay Nicko tungkol sa iba’t ibang bagay na may kinalaman sa trabaho, ang TV host-actress pa rin daw ang may final decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“These included such decisions as whether she should enter into a contract with a particular brand, set the contract price at a certain level, and attend a particular photo shoot or postpone it,” saad ni Nicko sa Counter-Affidavit.

Nilinaw din ni Nicko na ayaw ni Kris na pasanin pa ang mga detalye at pagdedesisyon sa mga bagay na maaari naman niyang iatas sa iba.

Dagdag ni Nicko, “Those persons would perform the task and then, later on, report to Aquino. 

“I, too, would do my work and then, later on, report to Aquino.”

Pagdating sa mga kontrata, lagi raw kinokonsulta ni Kris ang kanyang legal counsel bago pumirma sa anumang kontrata.

UNPAID COMMISSIONS

Sa simula pa lamang ng professional association nila, gusto na raw ni Kris na maging full-time employee si Nicko.

Pero agad daw ipinaalam ni Nicko kay Kris na hindi ito maaari dahil may iba siyang commitments at tungkulin, kabilang na ang pagiging “padre de familia” sa kanyang biyudang ina at dalawang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip, sinabi ni Nicko kay Kris na magtatrabaho siya para rito bilang talent agent.

Tutulungan din niya si Kris sa digital needs ng KCAP.

Pagdiriin ni Nicko tungkol sa pagtatrabaho niya kay Kris, “My professional association with Aquino is called an agency.

“At the outset, Aquino and I did not have a written contract covering her engagement of my services as her talent agent.

“Our agreement was oral but as binding as if it had been reduced to writing.”

Sa bawat endorsement contract o talent contract na naisasara ni Nicko, binabayaran daw siya ni Kris ng commission sa talent-agent rate na 12 percent ng halagang nakasaad sa kontrata. 

Nakukuha raw ni Nicko ang kanyang komisyon sa pamamagitan ng tseke, humigit-kumulang tatlong linggo pagkatapos ng contract signing at pagkatapos bayaran ng isang brand si Kris.

Hindi raw siya nagpapadala ng bill kay Kris upang kolektahin ang kanyang komisyon.

Sabi pa ni Nicko, “All the payments I received from Aquino were declared by me, with proper taxes paid or to be paid thereon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit base raw sa record ni Nicko, mayroon pa siyang hindi nakokolektang komisyon mula kay Kris, hanggang sa August 2018, na nagkakahalaga ng PHP800,000.

Bukod dito, mayroon pa raw siyang unpaid commission na nakatakdang dumating noong katapusan ng September 2018.

Sa pagkakaalam ni Nicko, ang hindi pa niya nakokolektang pera mula kay Kris ay umaabot na sa P20 million.

Mapapatunayan daw ito sa records na nasa pangangalaga ni Kris.

Nilinaw naman ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit na wala siyang kontrol sa funds ng ibang mga negosyong pinasukan ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN