Angel Jones tweets about fake news after airport incident involving son Tony Labrusca

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2019
<p>Angel Jones (right photo beside Tony Labrusca) posts cryptic messages about fake news hours after her son son Tony Labrusca got embroiled in an alleged shouting and cursing incident with airport immigration officers. "It's sad that people love fake news and enjoy hating people that do well," tweets Angel.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / @missangeljones on Instagram

Tila malaman ang magkakasunod na tweets ni Angel Jones—ina ng Kapamilya actor na si Tony Labrusca—tungkol sa fake news.

Ginawa ng 40-anyos na host/model/beauty consultant ang mga tweet kasunod ng isyung kinasangkutan ni Tony, kung saan nanigaw at nagmura diumano ang aktor sa harap ng immigration officers.

Nangyari ang insidente sa NAIA Terminal 1, Huwebes ng umaga, January 3, 2019.

Sa mga tweet na si Angel, sinabi nitong kahit ano man ang gawin ng isang tao ay mayroon at mayroong masasabi ang iba.

“Everyone will always have something to say no matter what you do. Can’t please them all,” tweet niya nitong Huwebes, January 3.

Continue reading below ↓

Dalawang magkasunod pang tweet ang ginawa niya ngayong Biyernes, January 4, tungkol sa fake news.

Hindi direktang nagdetalye si Angel kung anong partikular na isyu ang kanyang tinutukoy.

Pero kasabay ng kanyang matalinhagang tweets ay usap-usapan sa social media ang kinasangkutan ni Tony na airport incident, na naging dahilan upang umani ang aktor ng matinding pambabatikos mula sa ibang netizens.

Kung anu't ano man, may tweets si Angel na nagsasabing hindi dapat basta maniwala sa maling impormasyon at paninira sa mga taong nagtatamasa ng magandang pangyayari sa buhay.

Aniya, “It’s sad that people love fake news and enjoy hating people that do well.”

Continue reading below ↓

Patutsada pa ni Angel sa mga taong naniniwala sa mga walang katotohanang kwento:

“You can tell a lot about a person based on the gossip they listen to and stories believe.”

THE AIRPORT INCIDENT

Mainit na pinag-uusapan ngayon si Tony, 23, dahil sa diumano’y paninigaw at pagmumura niya sa harap ng immigration officers sa NAIA Terminal 1, January 3, Huwebes.

Continue reading below ↓

Ayon sa immigration supervisor, nag-demand umano si Tony ng Balikbayan Visa, ang pribilehiyong ibinibigay sa mga Balikbayan at kanilang foreign spouse at anak upang mapayagang manatili ng mas matagal sa bansa.

Subalit sa naturang program, ibinibigay lamang ito kung ang Balikbayan ay kasabay na darating sa bansa ang kanyang foreign spouse at mga anak.

Hindi raw akma ang Balik Bayan Visa sa kaso ni Tony dahil mag-isang dumating ang aktor mula sa Canada.

Ito raw ang dahilan kung bakit nag-eskandalo umano ang Kapamilya actor.

Una nang nag-tweet si Tony tungkol sa pagbibigay lamang sa kanya ng "30 days" na manatili sa Pilipinas, subalit binura na rin niya ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angel Jones (right photo beside Tony Labrusca) posts cryptic messages about fake news hours after her son son Tony Labrusca got embroiled in an alleged shouting and cursing incident with airport immigration officers. "It's sad that people love fake news and enjoy hating people that do well," tweets Angel.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / @missangeljones on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results