Dennis Trillo's "hacked" tweets draw surprised reactions from netizens

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo camp issues clarification amid his alleged odd tweets about his home network.


Lumikha ng ingay sa social media ang pagka-hack sa Twitter account ni Dennis Trillo.

Bago napag-alamang may nang-hack pala sa Twitter account ni Dennis ay ikinagulat ng ilang netizens ang hindi inaasahang pagre-retweet ni aktor ng hinaing laban sa GMA Network. 

Si Dennis ay itinuturing na Kapuso Drama King at isa sa mga bida ng ongoing prime-time series na Cain at Abel.

Nakasaad sa tweet ang pagkuwestiyon ng isang netizen kung bakit wala raw congratulatory post ang GMA sa natamong acting awards ng Kapuso stars na sina Dennis at Gloria Romero sa nakaraang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards.

Nanalo si Dennis na Best Actor para sa pelikulang One Great Love, at nanalo naman ng Best Actress si Goria para sa Rainbow’s Sunset.

Komento ng netizen: "Normally may congratulatory post or ads para sa winners ng Best Actor or Best Actress. No such post yet for @thedennistrillo and Queen Gloria Romero. Anyare @gmanetwork @GMADrama?....”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-tag si Dennis sa naturang tweet ng netizen.

May mga nagulat nang ire-tweet ito ni Dennis, na tila sinasang-ayunan ang hinaing ng netizen.

Dagdag na caption sa retweet ni Dennis:

Dahil sa pahayag na ito ni Dennis sa kanyang Twitter account na @thedennistrillo, may ilan pang netizens ang nag-comment ng negatibong pahayag laban sa Kapuso network.

Sabi ng isang pang nagrereklamong netizen:

Sinundan ito ng tweet ng iba pang diskumpiyado sa umano'y pang-i-isnab ng Kapuso network sa MMFF acting awards nina Dennis at Gloria:

“Mas nabalita pa sa ABS ang pagkapanalo nyo! Most of the Congratulatory messages sa social media came from Kapamilya Artists/Viewers. @gmanetwork @gmanews @GMADrama.”

Bukod dito ay may isa pang ni-retweet na comment ng netizen si Dennis sa Twitter account ng aktor na @thedennistrillo.

Sinagot ni Deniis na "Bad Idea" ang isang netizen na nag-suggest na sana ay makagawa siya ng action film kasama ang dating senador na si Bong Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, dinepensahan ng ibang netizens ang Kapuso network sa pamamagitan nang paglathala ng GMA ng contratulatory messages kina Dennis at Gloria, bilang patunay na hindi totoong hindi binigyang-halaga ng network ang pagkapanalo ng dalawang Kapuso stars sa MMFF.

Samantala, kapansin-pansing ang paraan ng pananalita at kontrobersiyal na mga pahayag ni Dennis sa Twitter ay hindi akma sa personalidad nito sa tunay na buhay. 

Kaya tinawagan ng awtor na ito ang talent manager ni Dennis na si Popoy Caritativo upang tanungin kung totoong si Dennis nga ang nagpo-post sa kanyang Twitter account.

Binalikan kami ni Popoy at sinagot sa pamamagitan ng text message na, "kakareply lang ni Dennis. Na hack daw account niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN