Alex Diaz reveals his version of Tony Labrusca's confrontation with immigration officers

IMAGE Photo from Alex Diaz's Twitter

Kapamilya actor Alex Diaz—who was with Tony Labrusca at the NAIA Terminal 1 last January 3—reveals his version of Tony's confrontation with the immigration supervisor.


Ipinagtanggol ng ABS-CBN actor na si Alex Diaz si Tony Labrusca hinggil sa isyung kinasasangkutan ngayon ng huli.

Ani Alex, 24, saksi siya sa nangyaring insidente sa pagitan ng kapwa aktor at immigration officers (I.O.), sa NAIA Terminal 1, noong January 3, Huwebes.

May mga immigration officers na nag-post sa social media at sinabing nag-eskandalo umano ang 23-anyos na si Tony sa immigration office, dahil hindi siya pinagbigyan sa demand niyang mabigyan ng Balikbayan Visa.

Sa halip, 30 days lamang ang ibinigay kay Tony para manatili sa bansa dahil hindi siya qualified sa Balikbayan Visa program.

Kagabi, January 4, nag-isyu na ng official statement si Tony at humihingi ng paumanhin sa nangyaring insidente sa NAIA Terminal 1.

Gayunpaman, itinanggi ni Tony ang akusasyong nagmura siya at nagyabang na isa siyang celebrity para mabigyan ng pribelihiyong akma lamang sa isang Balikbayan.


Stories We Are Tracking

Tony allegedly shouted, cursed in front of Immigration staff
Tony allegedly shouted, cursed in front of Immigration staff
Tony says sorry for his behavior with immigration officer
Tony says sorry for his behavior with immigration officer

ALEX SPEAKS UP

Ngayong madaling araw ng Sabado, January 5, nag-tweet nang sunud-sunod si Alex at ibinahagi ang bersiyon niya ng insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Alex ang kasamang nagbakasyon ni Tony sa Canada at kasabay na dumating sa airport.

Sinimulan ng Kapamilya actor ang kanyang pahayag sa pamamagitan ng pagpuri kay Tony kung paano niya hinarap ang isyu.

Diin pa ni Alex, hindi lang si Tony ang may kasalanan, kundi pati rin ang panig ng immigration officers.

“I was also at immigration & saw the whole thing go down. So trust me when I say kudos to you homie for rising above it. @tonythesharky wasn’t the only one at fault but he was made to look like the bad guy when both sides had faults. Proud of you homie.”

Lahad ni Alex, habang nagaganap ang pribadong diskusyon sa pagitan ni Tony at ng immigration supervisor, tatlong immigration officers ang lumapit kay Alex at nag-usisa kung ano ang nangyayari.

Diin ni Alex, sa palagay niya ay hindi maganda ang paglapit at pag-usisa sa kanya ng tatlong immigration officers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo pa't makailang-beses daw inutos ng immigration supervisor sa tatlong tauhan nito na lumabas ng opisina.

“Nobody mentioned the fact that while Tony was supposed to be having a private conversation with the Superior I.O 3 I.O’s came into the office and approached me on the couch trying to fish for information as to what was happening. I dont think thats their job.”

Naglahad din si Alex ng kanyang personal na karanasan tungkol sa pagsusungit sa kanya ng isang immigration officer nang lumabas siya ng bansa.

Sarkastiko raw ang immigration officer na humarap sa kanya noon.

Lahad ni Alex, "i was also met with a not so friendly i.o at immigration leaving the country who saw my canadian passport and said 'Oh anong gusto mong gawin ko dito?' in a sarcastic tone until i pulled up my Filipino Passport. Immigration isnt [sun emoji] and [bouquet of flowers emoji] by any stretch of the imagination.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Alex, lahat ng tao ay nagkakamali, kagaya ng nangyari kay Tony.

Sa huli, nanawagan din siya na sana ay alamin muna ang lahat ng panig bago manghusga ang ibang tao.

“Everyone is human and capable of mistakes even Tony who got heated and these IO’s who claimed not to know who he was at all but proceeded to blast him on social media right off the bat. Sana we hunt for both sides always before passing judgement, slandering or defaming people.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN