Kris Aquino, Vice Ganda dispel rumors they are not on good terms

IMAGE @krisaquino and @praybeytbenjamin on Instagram

Kris Aquino (left) and Vice Ganda (right) respond to netizens trying to pit the two celebrities against each other.


Dinepensahan ni Kris Aquino ang sarili matapos bigyang-malisya ng ilang netizen ang panonood niya ng pelikula nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin—ang Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na Jack EM Popoy.

Sa Instagram ay nag-post si Kris ng panonood niya ng last full show ng pelikula.

Kasamang nanonood ng actress/host/social media star ang kanyang mga kaibigan at mga anak na sina Bimby at Josh.

Puring-puri naman ni Kris ang pelikula.

View this post on Instagram

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Sa comments section, inusisa ng ilang netizens si Kris kung hindi ba niya panonoorin ang pelikula ni Vice Ganda, ang Fantastica, na isa rin sa 2018 MMFF entries.

May isa pang netizen na sinumbatan si Kris sa pagpuri niya sa pelikula ni Vic, na matinding kakumpitensya ni Vice sa tuwing nagkakaroon ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-react si Kris, 47, at nag-post sa Instagram laban sa mga gumagawa raw ng isyu sa pagitan nila ni Vice, 42.

Nag-post si Kris ng screenshot ng pakikipag-text ng anak niyang si Bimby kay Vice.

Mababasa sa screenshot na nag-offer si Bimby magkaroon ng block screening para sa pelikula ni Vice.

Depensa ni Kris sa post: “Kung ako lang ang iintrigahin- honestly, care bears. But my 11 year old still has a pure heart & I’ll do all i can to keep it that way…

"Inuna ni bimb as you can see December 26 yung text nya offering a Fantastica block screening.

"Now please stop bullying us, for this issue-MALI KAYO."

View this post on Instagram

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

VICE REACTS

Sa comments section, nagkomento rin si Vice at ipinagtanggol si Kris.

Giit ni Vice, maayos ang relasyon nila ni Kris.

“Utang na loob kakasimula lang ng taon itigil nyo ang pag iisip ng masama sa kapwa. Maayos ang relasyon namin at ng mga bata! (wow parang mag asawa talaga ang datingan lol!) Kaya please wag nyo ng istressin ang mga sarili nyo tungkol samin. Love Love Love na lang!” bahagi ng komento ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilalang dating mag-best friends sina Vice at Kris, pero nagkaroon ng espekulasyong nagsimulang mawala ang closeness nila nang lisanin ni Kris ang ABS-CBN noong 2016, at namayagpag sa Kapamilya network si Vice, sa tulong na rin ng dating manager ni Kris na si Deo Endrinal.

Gayunpaman, iginigiit ni Kris ang pagmamahal nito sa It’s Showtime host dahil sa pagmamahal nito sa kanyang anak na si Bimby.

 


Stories We Are Tracking

Kis answers netizens who question Vice's sincerity
Kis answers netizens who question Vice's sincerity
Kris on friendship with Vice:
Kris on friendship with Vice: "Friends do grow apart..."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN