Kris Aquino speaks up about professional breakup with Nicko Falcis

IMAGE @krisaquino on Instagram / Nicko Falcis

Kris Aquino on professional breakup with Nicko Falcis: "Siguro breakups in personal & professional relationships would be peaceful kung sabay nyong ginustong mag goodbye."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Sunud-sunod na sinagot ni Kris Aquino, 47, ang mga tanong ng kanyang Instagram followers matapos niyang magbigay ng pahayag kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila ni Nicko Falcis, 35.

Si Nicko ang dating managing director ng digital company ni Kris, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP), at nagsilbi rin itong talent manager at endorsement closer ng TV host-actress.

Naghain si Kris ng mga reklamong Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484 laban kay Nicko.

Inaakusahan nito si Nicko ng pagnanakaw, gamit umano ang credit card ng KCAP, ng halagang P1,270,980.31.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint

Humihingi si Kris ng kabuuang danyos na P32.27 million.

Sa kanyang Instagram post kagabi, January 5, matapos ang kanyang Live IG presscon, sinabi ni Kris na hindi niya matiis na hindi i-update ang kanyang followers online.

Aniya, "you do know na hindi ko naman matitiis na totally mag off-line?

"if the prognosis will be encouraging, i’ll definitely update... i’ll be obeying my doctors in the coming weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"thank you for praying for me, my sons, and the improvement of my health."

DESIRE TO BE STILL RELEVANT

Sa nasabing post, nagpahayag ng suporta ang Instagram user na may handle name na @mavy0217, na pinayuhan si Kris na lumaban at maging matatag.

Mensahe ng netizen kay Kris (published as is): "Labanan mo sila! alam kong mahirap PERO WAG KANG UMIYAK SA INTERVIEW!

"lalo ka nila pinagtatawanan! NINAKAWAN KA TAPOS! At milyon! PINAGHIRAPAN!

"G*GO LANG ANG NAG SASABING DEADMAHIN YAN kung ano ano ng sakit DUMAPO sayo KAKATRABAHO nanakawan ka lang! MAHAL KITA MS. @krisaquino"

Sinagot ni Kris ang nasabing komento. Sinabi niyang ang mga nakatatandang kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee ang tumulong sa kanya upang humupa ang galit sa dating business manager.

Hindi nabanggit ni Kris ang kanyang kuya na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Komento ni Kris, "@mavy0217 mga kapatid kong babae ang nagsabing talikuran ang galit because they want a healthy baby sister."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, inamin ni Kris na ang pagnanasang maging relevant sa showbiz industry ang nagtulak sa kanya upang bigyan ng lubos na pagtitiwala si Nicko.

Inamin din ni Kris na naging maganda ang tandem nila ni Nicko sa pagpapanumbalik ng kanyang showbiz career sa pamamagitan ng digital media.

"Mavy, i am guilty- nagpabulag ako sa kagustuhang mapatunayan na may saysay pa ko- may quotation na perfect for me from mid 2017: WE ALL EAT LIES WHEN OUR HEARTS ARE HUNGRY.

"i needed to prove i still had relevance- getting back up was exhilarating.

"Pumayag sa nonstop work, nagpa convince kahit grabe ang allergies para wag palitan ng endorsement.

"i can look back & say we made a good team because we both refused to lose.

"But on hindsight- he was my 1st manager younger than me.

"Growing older gives you the courage to say- i’m okay, this is enough. But youth makes you feel invincible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"i was told that he’d wished after the major health scare in Indonesia in July sana umalis na sya.

"In a perfect world- sana nga. Right before Crazy Rich Asians & we could have parted ways amicably."

 IMAGE Screengrab from @krisaquino on Instagram

HIGH EXPECTATIONS

Sa sumunod na reply niya kay @mavy0217, inamin ni Kris na mataas ang kanyang expectations kay Nicko bilang nakasanayan niyang magkaroon ng taong nariyan para sa kanya matapos ang 20 taon sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento ni Kris, "you learn much about how fragile life is when you need to just live it a day at a time... i hope those reading this learn from this pain- i didn’t listen to my mom that being the 'queen' was temporary.

"And she kept telling me to just give myself a reasonable salary, invest conservatively, and live off the interest of that. Eh maluho & hinahanap ng katawan yung trabaho.

"The attention is addicting & being around people super excited to be in your presence - it’s a special high- kasi mag HELLO ka or magpa selfie, maraming happy.

"i gave too much control in the financial side because just being me already required so much time & effort. Totoo naman- mali ang expectations ko because 20 years in ABS CBN-buy your own coffee, merienda, and dinner when in the compound. Kaya ang daming baon."

Sa bandang huli, nagpahiwatig si Kris na nasaktan siya nang sabihin ni Nicko na nais na niyang mag-resign bilang business manager nito matapos ang kanyang health scare sa Indonesia noong July 27, 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro breakups in personal & professional relationships would be peaceful kung sabay nyong ginustong mag goodbye.

"July 27, 2018- when that Medical Evacuation plane landed in the [PH flag emoji], nag sabi si Nicko na: KCA- na freak talaga ko sa convulsions. I can’t handle the pressure, i brought you where you should be but time to disembark- ibang iba ang January 2019.

"Most important lesson, know when to gracefully walk away."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @krisaquino on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN