Enchong Dee tells basher to unfollow him after liking Gretchen Barretto's post about Nicko Falcis

IMAGE Noel Orsal

Netizen calls out Enchong Dee for liking the post of Gretchen Barretto against Kris Aquino. 


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Ilan sa mga artistang nag-like sa post ni Gretchen Barretto tungkol sa pakikisampatiya nito kay Nicko Falcis ay sina Enchong Dee, Aubrey Miles, at Aiko Melendez.

Ito ay kaugnay ng legal battle sa pagitan ni Nicko at ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Si Nicko ay dating managing director ng digital company ni Kris na Kris Aquino C. Aquino Productions (KCAP).

Noong Sabado, January 5, ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang screenshot ng inilathalang artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may titulong “Nicko Falcis swears Kris Aquino said: 'PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO.”

Nakalagay sa caption ni Gretchen: “I feel for mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name & reputation inspite of the threat to his life No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING”

Naka-deactivate ang comments section sa post na ito ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong Lunes, January 7, mahigit 9,000 likes na ang post ni Gretchen mula sa netizens.

Kabilang sa mga nag-like ang mga kapwa niya artista ay sina Enchong, Aubrey, at Aiko.

 

Isang netizen ang kumuwestiyon sa ginawang pag-like ni Enchong sa post ni Gretchen.

Sabi ng may handlename na @jimsonpantojan: “@mr_enchongdee were you also a victim of bullying and power tripping by kris aquino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gretchen Barretto had nothing to do with the issue yet she dipped her fingers into it.

“It was unnecessary as the cases were already filed in court.

"By liking her post, it pre supposes that you shared the same sentiments with her.

"Unless you also have your own experience of bullying and a hapless victim of power tripping by KCA herself, you are no different from Gretchen Barretto—and you know what that means.

"It doesn’t look right eh. Of all people, ikaw pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang netizen na nagsabing i-unfollow na lamang daw niya ang Kapamilya actor, ngunit burado na ang kanyang komento.

Sagot dito ni Enchong, “@wengzkiee feel free to do so. Happy 2019.”

THE KRIS-NICKO ISSUE

Noong October 12, 2018, sinampahan ni Kris si Nicko ng reklamong 44 counts ng Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484, o mas kilala bilang Access Devices Regulation Act of 1998.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay kaugnay sa unauthorized diumanong paggamit ni Nicko sa credit card ng kumpanya na umabot sa halagang P1,270,980.31.

Dahil dito, humihingi si Kris ng kabuuang danyos na P32.27 million.

Mariin naman itong itinanggi ni Nicko sa kanyang official counter-affidavit, kung saan nakakuha ng kopya ang PEP.ph. 

Ang 35-year-old finance whiz din ang nagsilbing talent manager at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 months.


Stories We Are Tracking

Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Nicko says Kris irrationally blaming him for Indonesia scare
Nicko says Kris irrationally blaming him for Indonesia scare
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Gretchen shows support for Nicko amid his rift with Kris
Gretchen shows support for Nicko amid his rift with Kris


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN