Angel Jones reacts to son Tony Labrusca's alleged romantic involvement with a guy

IMAGE Noel Orsal / @missangeljones on Instagram

Angel Jones responds to a netizen who claims that her son Tony Labrusca allegedly has a romantic involvement with a guy. 


Nag-react ang ina ni Tony Labrusca na si Angel Jones tungkol sa pagkuwestiyon ng ilang netizens sa sekswalidad ng ABS-CBN actor.

Nasangkot sa kontrobersiya si Tony, 23, matapos diumano siyang sumigaw at magmura sa harap ng isang Immigration officer sa NAIA Terminal 1 noong January 3, 2019.

May netizen na diumano'y nakasaksi sa pangyayari ang nag-post ng mensahe sa social media at sinabing kasama raw ni Tony ang kanyang "boyfriend" sa airport nang mangyari ang insidente. 

Sinakyan naman ng iba pang netizens ang malisyosong alegasyong ito tungkol kay Tony.

Nag-react si Angel—40-year-old model/host/beauty consultant—hinggil sa pagkukuwestiyon sa sekswalidad ng anak.

Nitong January 6, Linggo, sinagot ni Angel ang isang netizen na nag-tweet tungkol sa mga netizen na nagkalat ng impormasyong kasama raw ni Tony sa airport ang diumano’y boyfriend nito.

Tweet ng netizen, “May pinakalat pa silang mga pictures Tita. Tsaka may nagpost dn ng pics ug boyfriend daw kuno ni @tonythesharky Nakakaloka sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon naman dito ni Angel, “That’s what happens when you’re at the top. They like to desperately tear you down. Sad but true.”

Bahagi pa ng isang tweet ni Angel, “Im laughing at all the misinformed people spreading hate and fake stories as if they were there.”

TONY AND ALEX

Noong nakaraang linggo, ipinost sa social media ng PR man na si Chris Cahilig ang maiksing palitan nila ng mensahe ni Tony hinggil sa diumano’y boyfriend ng Glorious actor.

Si Chris ang nag-handle sa ilang events ni Tony noon.

Sa sagot ni Tony kay Chris, pinangalanan ng aktor na ang inili-link sa kanya ay nagngangalang "Alex."

Mensahe ni Tony kay Chris: “What’s wrong with Alex being with me on the immigration? Just because we’re in the same flight we’re together na? That’s so low.

"Why can’t people see the truth that we’re just friends and his tita even made sure we got the same flight para may kasama kami pauwi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Tony Labrusca, umalma sa gay accusation ng netizen

Ang tinutukoy na Alex ay ang kapwa ABS-CBN star ni Tony na si Alex Diaz, 24.

Nitong weekend ay sunud-sunod ang mga tweet ni Alex upang ipagtanggol si Tony.

Sinabi ni Alex na magkasama sila ni Tony sa airport at inilahad ang bersiyon niya ng insidente.

Pahayag ni Alex, hindi lang si Tony ang may kasalanan sa insidente; pati ang Immigration officers ay may pagkakamali rin daw.


Stories We Are Tracking

Alex posts his version of how Tony handled airport incident
Alex posts his version of how Tony handled airport incident

January 4, Biyernes, naglabas na ng official statement si Tony at humingi ng sorry sa Immigration officer na nakausap niya.

Subalit itinanggi niyang nagmura siya ng Immigration officer.

Itinanggi rin ni Tony na ikinatuwiran niyang artista siya para makakuha ng Balikbayan Visa para sa isang taong pananatili sa Pilipinas.

Ang ibinigay lamang kay Tony ay 30 days para manatili sa bansa dahil hindi siya qualified sa Balikbayan Visa pagtuntong sa Pilipinas.


Stories We Are Tracking

Tony says sorry for his behavior with immigration officer
Tony says sorry for his behavior with immigration officer
Tony allegedly shouted, cursed in front of Immigration staff
Tony allegedly shouted, cursed in front of Immigration staff
Angel tweets about fake news after Tony airport incident
Angel tweets about fake news after Tony airport incident


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN