Ogie Diaz on Kris Aquino: "Mas ikamamatay niya pag hindi niya ibinuka yung bibig niya o hindi siya dumaldal."

IMAGE Courtesy: Ogie Diaz on Facebook / @krisaquino on Instagram

Comedian/radio host/talent manager Ogie Diaz comments on Kris Aquino's activity on social media: "Hindi kasi siya naniniwala sa 'less talk, less mistake.' O kaya 'no talk, no mistake.'"


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Mas ikamamatay raw ni Kris Aquino kapag manahimik lamang ito at hindi dumaldal, ayon sa talent manager/radio host/comedian na si Ogie Diaz.

Sa kanyang regular Facebook status na "Mama OGS Answers” ngayong Lunes, January 7, ibinahagi ni Ogie sa kanyang friends at followers ang napag-usapan nila ni Kris.

Isa na rito ang ilang karamdaman ni Kris na ibinahagi ng TV host-actress sa kanyang social media conference noong Sabado, January 5.

Ang presscon ay may kinalaman sa sigalot nila ng dati niyang financial adviser at managing director ng Kris Aquino C. Productions (KCAP) na si Nicko Falcis.

Ang ilan sa mga karamdaman ni Kris na binanggit nito ay ang pagkakaroon ng sintomas ng lupus, fibromyalgia, at chronic spontaneous urticaria.


Stories We Are Tracking

Kris to Nicko:
Kris to Nicko: "Harapin mo naman lahat ng kaso mo."

Sabi ni Ogie, “Actually, andami niyang sakit na inisa-isa niya.

“After the blogcon, sabi niya sa akin, 'Alam mo, pare, maikli lang ang buhay ko. Just like my dad.

“'Pareho lang maliit at magka-size ang tenga namin. Kaya nga nag-pray ako at kinausap ko sa dasal ko ang mom na malakas naman siya kay Mama Mary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Baka puwede niya naman akong ihirit ng 7 more years para maabutan kong mag-18 years old si Bimby.'

“I told Kris, 'Aabutin pa ng 30 years old si Bimby, buhay pa siya.'"

CAUSE OF "DEATH"

Kasunod na sinagot ni Ogie ang kunyaring tanong na sana nga ay gumaling na si Kris sa kanyang mga karamdaman.

Saad ng Home Sweetie Home actor, “Alam mo, si Kris, hindi mamamatay sa sakit.

“Mas ikamamatay niya pag hindi niya ibinuka yung bibig niya o hindi siya dumaldal.

“Hindi kasi siya naniniwala sa ‘less talk, less mistake.’ O kaya ‘no talk, no mistake.’

“Dahil kahit bilinan siya ng doktor o ng lawyers niya na huwag munang magsasalita about the case or about her health, mas magsisikip ang dibdib niya kapag yung alam niya ay hindi niya sasabihin sa publiko.

“Imadyinin mo kung yung doktor, sinikreto muna sa kanya ang tungkol sa mga sakit niya, alam mo kung ano ang ending?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sasabihin niya sa interbyu na, 'I hate my doctors. Ayaw nilang sabihin sa akin ang mga sakit ko kasi idadaldal ko raw. I can keep a secret naman, e. They just don't trust me.’"

Kasunod nito, ang tungkol naman sa comments sa Instagram post ni Kris na halos isa-isa niyang sinasagot.

Komento rito ni Ogie, “Yun na nga. Sana nga, mapanindigan ni Kris na magpahinga muna siya sa mga social media accounts niya, dahil isa daw yun sa nakakapagpa-stress sa kanya.

“So, pipilitin daw niya.

"But knowing Kris? Makakatiis ba 'yan?

“Kaya niya sigurong tiisin ang mga sakit niya, pero hindi ang pagdaldal kahit sa Instagram at fanpage niya.”

Kasalukuyang nasa Singapore si Kris para sumailalim sa medical tests upang malaman ang tamang lunas sa kanyang samu't saring mga sakit.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN