Fifth Solomon slams netizens who make fun of gays online

IMAGE Mark Atienza

Fifth Solomon takes to social media to slam netizens who make fun of gays. "So for all the homophobs out there, F*ck off."


Naglabas ng hinaing si Fifth Solomon, 26, hinggil sa aniya’y hindi tamang trato ng ibang tao sa gays.

Isa na rito ang pamimilit na paaminin ang iba tungkol sa kanilang sekswalidad.

Si Fifth ay naging housemate ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya, lumikha ng ingay si Fifth nang aminin niyang isa siyang bisexual.

Noong Biyernes, July 4, sunud-sunod ang tweet ni Fifth tungkol sa hindi magandang pagtingin at pagtrato ng iba sa gays.

Ang ikinasasama ng loob ng Kapamilya celebrity ay ang puwersahan o pamimilit na paaminin ang iba sa kanilang tunay na sekswalidad.  

Hindi tinukoy si Fifth kung ano ang pinanggagalingan niya, subalit nabanggit niya sa isang tweet na ginagawang “laro” ng ibang netizens ang sekswalidad ng iba.

Aniya, “Don't use the word 'gay' as an insult. We are not an insult.

"We love ourselves. we embrace everything about us. so yeah F*ck off."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinaing pa niya, “Pag nakakatawa yung bakla tatawanan niyo. Susuportahan niyo.

"pero pagusapang respeto, pagkakaparepareho, di niyo kami magawang tratuhin na tao.”

Mensahe pa niya sa mga takot sa gays, “So for all the homophobs out there, F*ck off. It's 2019 bitches!”

Sinang-ayunan din niya ang tweet ng isang netizen na nakakairita ang ganitong gawain.

Sabi pa ni Fifth, ginagawang source of entertainment ng ibang netizens ang pag-usapan ang tungkol sa sekswalidad ng ibang tao.

“sobraa lalo na yung namimilit mag out kung bakla ba ung tao. Sobrang bored pati sexuality iniintriga.

"Ginawang laro ang pagiging bakla sa mga comment sections kakaloka.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN