Former Miss Universe first runner-up asks to stop comparing Catriona Gray and Pia Wurtzbach

IMAGE @piawurtzbach and @realniasanchez on Instagram

Miss Universe 2014 first runner-up Nia Sanchez (right) reprimands a netizen who compared reigning Miss Universe Catriona Gray and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Hindi kailangang ikumpara sina reigning Miss Universe Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ang komento ni Miss Universe 2014 first runner-up Nia Sanchez ng USA, bilang sagot sa netizen na sinabing mas mahusay sumagot si Catriona kaysa kay Pia.

Nitong January 7, Lunes, nagkomento ang dating Miss USA sa post ni Catriona sa Instagram.

Isa namang netizen ang nag-reply sa komento ni Nia.

Ikinumpara ng netizen ang recent interview ni Catriona sa isang American morning show at interview noon ni Pia sa parehong show nang ito ay manalo bilang Miss Universe noong 2015.

Nangyari ang interview ni Catriona sa American TV show na Good Morning America nitong January 7 (New York time).

Kasalukuyang nasa U.S. si Catriona para gampanan ang kanyang duties bilang reigning Miss Universe.

Sabi ng netizen, “@catriona_gray interview is thousand times better than “@piawurtzbach...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot naman dito si Nia.

Komento ng American beauty queen, “I don’t believe there is any need for comparison. Common [come on], let’s leave that in 2018. They are both amazing. Period. No need for any more than that.”

May bumatikos din kay Nia dahil sa kanyang komento, subalit mas maraming netizens ang pumuri sa kanya dahil sa pagtatanggol niya sa dalawang Filipino beauty queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN