Kris Aquino responds to Nicko Falcis claim she has emotional baggage from ABS-CBN days

IMAGE Rachelle Siazon

Kris Aquino says sorry to ABS-CBN for being dragged into her issue with Nicko Falcis. Nicko stands firm on claim that she unleashed on him her emotional baggage from ABS-CBN. To prove his point, he shows screenshots of his 2018 text exchange with Kris telling him why ABS-CBN should have no "access" to her. 


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Nagsalita na si Kris Aquino hinggil sa pag-alma ni Nicko Falcis na siya diumano ang pinagbalingan ng TV host/actress/web star ng emotional baggage nito sa ABS-CBN. 

Kaugnay ito ng pahayag ni Nicko na isa sa naging mitsa ng pagkasira ng professional relationship nila ni Kris ay ang insidenteng may kinalaman sa ABS-CBN. 

Ikinagalit diumano ni Kris na nabigyan ng press materials ng kanyang pagdalo sa Hollywood premiere ng Crazy Rich Asians ang isang ABS-CBN-affiliated website. 

Isiniwalat ito ni Nicko sa kanyang eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nailathala ng Miyerkules ng tanghali, January 9. 

Kinahapunan ng January 9, inilathala ni Kris ang kanyang sagot dito sa pamamagitan ng post sa Facebook. 

Dito ay inamin ni Kris na nasaktan siya nang husto sa pagtatapos ng kanyang TV career sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon. 

Pero giit ni Kris, hindi dapat idamay ni Nicko ang ABS-CBN sa alitan nila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isyu raw na dapat na sagutin ni Nicko ay ang reklamong 44 counts of qualified theft na isinampa ng actress/TV host/web star laban sa entrepreneur/brand-marketing expert. 

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin si Kris sa mga namumuno ng ABS-CBN, dahil sa pagkakabanggit sa Kapamilya network sa isyu nila ni Nicko. 

KRIS APOLOGIZES TO ABS-CBN

Narito ang kabuuang pahayag ni Kris (published as is):

"I can admit to heartbreak that it ended not in the way i wished with ABS. But did ABS CBN ever steal money from me?

"I am HONEST enough- i earned much, hundreds of millions in my years with ABS-CBN. I am proud, malaki rin ang naakyat kong pera sa ABS-CBN. Kung finances ang pag-uusapan- wala kaming issue.

"And nobody can erase history. Sabay nakulong si tito Geny Lopez and my Dad during Martial Law. Kung ano man ang mga issues of misunderstanding, tito manolo & tita maritess lopez loved mom. Their youngest son Mark is now chairman. i said this & i stand by it- when someone did good for my mom, (in this case- SOBRANG LOVE & RESPECT ang binigay ni tito manolo & tita maritess to Mom) i’ll stop my worst impulses- because of my mom & her memory.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I stated, for my sons & the memory of my parents i can HUMBLE myself. In this instance WAG IDAMAY ang ABS CBN. Wag ilihis ang issue.

"From my heart, to Chairman Mark Lopez (most especially his parents) & President/CEO Carlo Katigbak- i apologize nadamay kayo sa gulo. You deserve for me to stand up and give you the high esteem you rightfully deserve." 

NICKO SHOWS TEXT EXCHANGE WITH KRIS

Sa kabilang banda, nanindigan si Nicko na ikinagalit nang husto ni Kris nang mabigyan ang isang ABS-CBN-affiliated website ng access sa media coverage ng kanyang pagdalo sa Hollywood premiere ng Crazy Rich Asians

Nangyari umano ang insidente pagkatapos ng naturang red-carpet event sa Hollywood, Los Angeles, California, noong August 8, 2018 (U.S. time). 

"Lies again!" balik-sagot ni Nicko sa pahayag ni Kris. 

Nitong Miyerkules ng gabi, January 9, eksklusibong ipinadala ni Nicko sa PEP.ph ang screenshots ng palitan nila ng mensahe ni Kris noong panahong iyon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad sa mensahe ni Kris na ang "mistake" ni Nicko ay hinayaan daw nitong magkaroon ng "access" sa actress/TV host/web star ang mga taong may kaugnayan sa TV network na minaliit ang kakayahan niya. 

Nabanggit din sa palitan ng mensahe nina Kris at Nicko ang saloobin ng actress/TV host/web star kaugnay ng kanyang "half-baked homecoming" sa ABS-CBN nang gawin niya ang pelikulang I Love You, Hater, noong July 2018.

Saad ni Kris sa mensahe niya kay Nicko (published as is): "But nicko- i hope you see the [heartbreak emoji] isn't just from your mistake- it's just a realization na even when what i've worked for comes to fruition- i'm still prevented from even just a few days to cherish the victory?"

Sunud-sunod ang balik-sagot ni Nicko kay Kris (published as is): "Madam, you are the true heroine from any angle — unfortunately, you really cannot please everybody

"Nobody can ever accept that a single person can deliver over 20% of a network's annual sales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unfortunately, I don't know what really happened in the past (the actual moment where abscbn closed their doors) — the multiverse has so much layers — politicsm showbiz, competition, management ambition/change in leadership... but the fact of the matter is, you thrived and you became successful" 

Sagot ulit ni Kris kay Nicko: "Nicko since alam mo yun- then why give the people who belittled me & did a Machiavellian move on me w/ I Love You Hater- have access to me?" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Sent to PEP.ph courtesy of Nicko Falcis

Mayroon ding isa pang text message si Kris na nagsasabing dapat sana'y nasa celebratory mood ito dahil bahagi ito ng internationally successful film na Crazy Rich Asians

Lalo pa't nasungkit ni Kris ang kanyang special cameo appearance rito matapos ang pagkawala ng kanyang TV career. 

Sa kabila nito, nakasaad sa mensahe ni Kris ang pag-aming masakit pa rin sa kanya ang pakiramdam na tila katapusan na ng karerang minahal niya nang lubos. 

Sabi ni Kris: "Ito dapat ang sine Celebrate ko." 

Kalakip nito ang screenshot ng screening ng Crazy Rich Asians sa Pilipinas. 

Sunud-sunod na sagot ulit ni Nicko: "Yes madam, we have to!

"18months ago, you had the foreshadowing and gutfeel about this project

"Proving your acumen and desire to win globally

"A powerful pivot as to how i look at things now is to exclude media amplification

"Because you are media" 

Sumunod dito ang paglabas ni Kris ng saloobin sa estado ng karera nito: "[heartbroken emoji] kasi there's such a big part of me that's saying- i'm done."  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Sent to PEP.ph courtesy of Nicko Falcis

ALLEGED BLAME GAME

Una nang nabanggit ni Nicko sa panayam ng PEP.ph na ang media manager ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) ang may pagkukulang kung bakit nabigyan ng mga litrato ni Kris ang ABS-CBN. 

Ang KCAP ang digital company na nagproprodyus ng webisodes at iba pang content na inilalathala sa social media platforms ni Kris. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nicko ang itinalaga ni Kris na project director o tagapamahala ng KCAP sa loob ng 18 buwan nilang pagtatrabaho.

Tumayo rin siyang business manager o endorser closer, talent agent, at business partner ni Kris. 

Bilang pinuno ng KCAP, inako raw ni Nicko ang paghingi ng dispensa kay Kris sa nangyaring insidente kahit na iba ang may kasalanan nito.   

Ayon kay Nicko, hindi siya nagkulang sa kanyang trabaho upang siguruhing mapagtagumpayan ang transition ni Kris sa larangan ng digital media. 

Sabi sa isang bahagi ng pahayag ni Nicko, base sa ulat ng PEP.ph kahapon, January 9: "I’m very type A—I’m very productive, and I express things for us to move forward.

"Unfortunately, there's a version of her that she's the dweller... She has a lot of baggage, apparently.

"And she unleashed all of those on me."

Mariing pinabulaanan ni Nicko ang reklamong pagnanakaw na isinampa laban sa kanya ni Kris. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, bahagi lamang daw ito ng "script" ni Kris upang sapilitan siyang pasunurin sa kagustuhan nito. 

Nanatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


Stories We Are Tracking

Nicko Falcis:
Nicko Falcis: "Kris is the master of fabricating the truth"
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN