Julie Anne San Jose confirms breakup with Benjamin Alves

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose reveals that she and Benjamin Alves ended their relationship in 2018 after two years.


Sa unang pagkakataon ay kinumpirma ni Julie Anne San Jose, 24, na break na nga sila ni Benjamin Alves, 29, noong 2018.

Noong November 2018, kasunod ng pagpanaw ng ama ni Benjamin, ay lumabas ang balitang break na sila ng Kapuso singer-actress.

Bago nagtapos ang 2018 ay naiulat din ang pag-a-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram.


Stories We Are Tracking

Julie Anne, Benjamin unfollow each other on Instagram
Julie Anne, Benjamin unfollow each other on Instagram

Ngayong Huwebes, January 10, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa press conference ng The Sweetheart and the Balladeer Fun Night Only, ang upcoming concert series nila ni Christian Bautista.

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Julie Anne kung hiwalay na sila ni Benjamin.

“Yes,” pagkumpirma niya.

Kailan sila naghiwalay?

“Since last year,” maiksing sagot ni Julie Anne.

Kumusta siya pagkatapos ng paghihiwalay?

“I’m okay, I’m good. Better…” sagot niya.

Magkaibigan pa ba sila ni Benjamin?

“No,” pag-amin niya.

Sa ngayon, trabaho muna raw ang pagkakaabalahan ni Julie Anne at hindi ang love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I don’t think I’m ready for that.

“I just want to focus on myself and sa work ko.

“I’m really, really focused pagdating sa mga bagay-bagay when it comes to my work, my craft, bettering myself my music. Yun yung important for me this year.”

Ito raw ang inaasahan ni Julie Anne sa pagpasok ng 2019:

“Brand new start, new beginnings, new work, new relationships, new friends, new opportunities and blessings.”

WORKING WITH CHRISTIAN

Samantala, ikinatutuwa raw ni Julie Anne na magkasama silang muli ni Christian sa series of concerts.

Aniya, “Wala po akong kahit anong problema kay Christian.

“We always get each other pagdating po sa mga bagay-bagay, specifically sa mga kanta namin, sa mga ginagawa namin sa life din.

“We’re good friends. Solid kami.

“So, I think yung bond namin together, hindi siya nawawala pag nasa stage kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

 Ang sabi naman ni Christian, bilib siya sa talent at professionalism ni Julie Anne.

“We’re partners as well and again na-develop ito because of GMA giving us all this shows.

“And with her, very professional. Alam mo sa Studio 7, all the girls look up to her.”

Ang Studio 7 ay ang weekend musical-variety show sa GMA-7.

“All the young girls at the back are watching her in the TV screen. [She’s] leading the pack na.

“I get that from her, that drive, that awesomeness, and talagang I’m glad we’re still able to do these tours together and now with our younger brothers and sisters.”

Makakasama rin sa concert sina The Clash Grand Champion Golden Cañedo at finalist na si Josh Adornado, at ang mga komedyanteng sina Super Tekla at Donita Nose.

Ang unang leg ay mangyayari sa Iloilo Convention Center, Mandurriao, Iloilo City sa January 27.

Ang pangalawa ay sa The Atrium Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro, sa February 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close