Lawyer Jess Falcis reacts to alleged P40-M investment issue of Kris Aquino

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @krisaquino on Instagram

Atty. Jess Falcis (left) questions Kris Aquino's real motive in filing a complaint against his brother, Nicko Falcis: "Anong rason? Gusto kasi niya makaganti kay Kuya, mabawi niya yung mga commissions that my brother earned from her. Gusto niya yung kuya ko sumuka ng pera, para bilhin yung shares niya—yun ang ultimate goal ni Kris."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Bago pa man pumutok sa publiko ang malaking sigalot sa pagitan nina Kris Aquino at Nicko Falcis noong huling bahagi ng 2018, may mga pahaging na ang web star/endorser sa kanyang Instagram tungkol sa multi-million peso investment niya para sa mga anak na diumano'y namimiligro.

Nitong bago mag-hatingggabi ng Lunes, January 7, muling binanggit ni Kris ang tungkol dito sa kanyang post sa Instagram.

Bahagi ng kanyang mensahe: “Allow me to clarify the financial issue, i asked for an accounting of 40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner+Nacho Bimby branches and my lawyers & i were ignored.

"The lawyer of my former manager’s MENTOR had contacted Dean Nilo Divina today and asked if the 2 of them could talk about a settlement.

"To him i say, 'Maswerte ka, there’s a man who sees you as his own son.' i believe this was out of his own volition, and my respect for that man’s integrity grew even more. Hindi nya kadugo pero tinaya nya ang reputasyon nya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To that man i say, on hindsight, had you and my Ate only spoken in September, we’d have had peace.”

View this post on Instagram

tried my best to take a selfie that looked okay... because all others suffering from autoimmune diseases more debilitating than mine deserve only RESPECT & ADMIRATION from me... the Holy Spirit led me to read this. Galatians 6:NLT 2 Share each other's burdens, and in this way obey the law of Christ. 3 If you think you are too important to help someone, you are only fooling yourself. You are not that important. it shouldn’t be just about me. i believe i can be forgiven for making it about my sons. parents, especially solo ones, will understand me... but maybe i’m on this journey because i can shine a light for others questioning why they’ve been losing or gaining weight, started losing clumps of hair, have numbed hands and feet, feel extreme fatigue or soreness in their joints, experience unexplainable depression, have hives all over the body especially in arms & legs, or have low grade fever often. There are more than 80 autoimmune diseases but when you google autoimmune disease, healthline.com and webmd.com are informative yet easy to read. To end, i was wrong to cast blame on my former business manager for my condition- obviously even at 21 years old when my severe allergic reaction to menstrual pain medicine had doctors asking my sister, viel to sign the consent for an emergency tracheotomy, and the very difficult time while pregnant & giving birth to bimb at 36- heaven already gave me a bonus because most of my symptoms had remained dormant until late 2014 when my hypertension started. Allow me to clarify the financial issue, i asked for an accounting of ?40M invested for my sons, and financial reports for our 12 Potato Corner+Nacho Bimby branches and my lawyers & i were ignored. The lawyer of my former manager’s MENTOR had contacted Dean Nilo Divina today and asked if the 2 of them could talk about a settlement. To him i say, “Maswerte ka, there’s a man who sees you as his own son.” i believe this was out of his own volition, and my respect for that man’s integrity grew even more. Hindi nya kadugo pero tinaya nya ang reputasyon nya. To that man i say, on hindsight, had you and my Ate only spoken in September, we’d have had peace.

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Si Nicko ang dating finance manager ng Potato Corner + Nacho Bimby at dati ring endorser closer, talent agent, at project director ng digital company ni Kris na Kris Aquino Cojuangco Productions o KCAP.

Pero base sa post ni Kris, hindi niya idinetalye kung ano ang kinalaman ng financial report na hinihingi niya kay Nicko sa umano'y pakikipag-ugnayan sa kanya ng hindi pinangalanang mentor ni Nicko.

KEYWORD: INVESTMENT

Sa presscon ni Atty. Jesus “Jess” Falcis kahapon, January 8, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling media tungkol sa pahaging ni Kris sa diumano'y financial issue nito na tila isinisisi kay Nicko.

Si Atty. Jess ay nakababatang kapatid ni Nicko.

Ano ba ang alam niya tungkol dito, base na rin sa pag-uusap nila ng kanyang kuya?

Saad ni Atty. Jess, “Ngayon nga, ang pinakabago niyang [Kris] kuda dahil nga parang naku-corner na siya na umamin ng mga kasinungalingan niya, ang una naming malaking tanong sa personal statement ni Kuya, ngawa siya nang ngawa sa social media noon about 40, 50, 70, 100 million ang ninakaw daw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ang ikinaso lang niya, P1.2 million? At credit card pa, ha.

“Sinabi niya noon—na talagang nakasira sa reputasyon ng kuya ko—yung trust fund ni Bimby, ninakaw.

“Ngayon, nag-comment siya yata sa IG [Instagram] or post na ang isyu niya talaga ay ang 40-million investment, at merong mga financial report from Nacho Bimby na hindi daw binibigyan ang kanyang mga abugado."

Inalmahan ni Atty. Jess ang pagpapahiwatig ni Kris na may kaugnayan ang PHP40-M investment nito sa Potato Corner+Nacho Bimby sa reklamong pagnanakaw na isinampa ng web star/endorser laban sa dating business manager/endorser closer/KCAP head.

Kasunod nito ay hinimay ni Atty. Jess ang kanyang punto.

“Breakdown natin, ha... Una, yung 40-million investment, keyword: investment.

“So, ang investment, hindi naman niya basta-basta ma-pullout.

“Ang investment, makikita mo naman kung na-invest talaga. Paano mo malalaman kung na-invest talaga?

“May physical store or may physical product.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang branches ang Nacho Bimby? Ilang mga... or profitability per month nung mga businesses nila together? Alam niya yun.

“Walang nawala sa investment niya. Ang investment niya, nasa totoong buhay.

“Pumunta siya sa Promenade [Greenhills] Nacho Bimby, pumunta siya sa Gateway [Mall, Cubao], pumunta siya sa Robinsons Magnolia [Quezon City].

“Andun ang Nacho Bimby, puntahan niya. Makialam siya sa business.”

Kasunod nito, pinayuhan pa ni Atty. Jess si Kris kung ano ang dapat nitong gawin sa kanyang mga negosyo.

Ayon sa host ng BolJak ng Radyo Singko: “Hindi kasi siya negosyante, e.

“Ngayon, makikita na hindi talaga siya negosyante.

"Alamin niya yung business, kausapin niya yung cashier, kausapin niya yung mga employees.

“Pag-aralan niya yung monthly report, yung daily sales, yung opex [operational expenses]... Alam ba niya yung mga yun?

“Tapos hindi daw siya binibigyan ng financial reports.

“Hello, e, di pumunta siya sa corporate secretary, or humingi siya ng shareholders' meeting or humingi siya ng officers' meeting to be provided by those documents."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw maintindihan ni Atty. Jess kung ano ang isyu ni Kris sa investment nito at kung bakit si Nicko ang kinukuwestiyon niya rito. 

“Bakit kay Kuya? Kuya is not Nacho Bimby? He is just one among that multiple shareholders, like Kris Aquino.

“Kris Aquino owns 35 percent of Nacho Bimby, she’s not the majority, so makipag-meeting siya with other shareholders."

Sabi pa ni Atty. Jess, “E, busy kasi yata siya manira ng reputasyon ng kuya ko, e.”

Nahaharap si Nicko sa reklamong 44 counts of Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484 na inihain ni Kris sa pitong siyudad sa Metro Manila.

ATTY. JESS'S THEORY

Ayon pa kay Atty. Jess, mukhang may ibang plano si Kris kaya sinampahan nito ang kanyang kapatid ng reklamong pagnanakaw.

Teoriya ng abugado: “And may I say, dito naging klaro bakit sinampahan ni Kris Aquino ng kaso ang kuya ko.

“Anong rason? Gusto kasi niya makaganti kay Kuya, mabawi niya yung mga commissions that my brother earned from her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto niya yung kuya ko sumuka ng pera, para bilhin yung shares niya—yun ang ultimate goal ni Kris.

“'Yang P40-M investment niya, ma-liquidate niya, makuha niya pabalik.

“Pero paano? Kasi matagal magbenta ng shares, may negotiation, maghahanap ka ng buyer.

“Ang gusto niya, sumuka ng pera yung kuya ko para yung komisyon na na-earn niya last year or during their partnership..."

Ang ibig tukuyin ni Atty. Jess ay upang maibalik kay Kris ang perang in-invest nito, na wala naman umanong kinalaman sa reklamo nito kay Nicko.

Nanindigan din ang abugado na inosente si Nicko sa akusasyong pagnanakaw na ibinabato rito ni Kris. 

Dagdag ni Atty. Jess, “Parang, ‘A, hindi na kikita sa akin itong si Nicko. Okay lang hindi siya kumita sa akin, dahil nabalik pa rin sa akin kahit papano.’

“'Yan ang utak niya siguro, ha... hindi lang ako sure ha. And then, opinion ko ito.”

Sa isang banda, may hamon naman si Atty. Jess kay Kris tungkol sa pagkagulat nito sa lumabas na isyung may hindi pa ito nababayarang komisyon ni Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito ng naiulat na salaysay ni Nicko, base sa kanyang counter affidavit, na may "PHP9 unpaid commission" pa siyang hindi nasisingil mula sa mga naisara niyang endorsements ni Kris.

“Ay, ipakita niya yung financials [record] niya.

“Ipakita niya lahat ng brands, and contracts sealed with Kuya.

“And how much their worth. And then compute times 12 percent,” pahayag ni Atty. Jess.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Jess Falcis warns Kris not to mess with two gay brothers
Jess Falcis warns Kris not to mess with two gay brothers
Nicko Falcis:
Nicko Falcis: "Kris is the master of fabricating the truth"
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Atty. Jess Falcis answers cyberlibel complaints of Kris
Atty. Jess Falcis answers cyberlibel complaints of Kris


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN