Angel Locsin reveals she almost resigned from ABS-CBN, quit showbiz

IMAGE James Patrick Anarcon

Angel Locsin reveals that she almost resigned from ABS-CBN, her mother network. "Buti na lang, yung mga boss ng ABS-CBN, kinausap nila ako."


Muntik na raw lisanin noon ni Angel Locsin ang showbiz.

Sa katunayan, nag-submit na raw siya ng resignation letter sa mga boss ng ABS-CBN.

Nabanggit ito ni Angel sa sit-down interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ng ilang piling reporters, bago magsimula ang solo press conference niya para sa The General's Daughter kahapon, January 10.

Nagsimulang pag-usapan ang mga pinagdaanan ni Angel nang matanong siya tungkol sa kanyang Instagram post noong January 4, kung saan prinomote niya ang The General's Daughter, na unang pagbibidahan niyang teleserye pagkatapos ng limang taon.

Sabi niya sa caption nito: "2015 challenged me. 2016 broke me. 2017 changed me. 2018 opened my eyes. 2019 I’M COMING BACK."

Ano ang pinagmulan ng caption na ito?

Sagot ni Angel, "Alam ko kasi, may nabasa akong ganyan, parang iniba ko lang nang konti.

"2018 kasi, parang binigyan ako ng chance. Mas brighter lahat.

"Hindi ko naman sinasabing lugmok ako noong 2017, pero yung five years na yun, doon yung very challenging sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung limang taon na yun, ang daming nangyari, kaya noong pinost ko yun, parang hindi para ipabalik sa inyo yung memories, kung hindi para sabihin na I’m human.

"May moments na down ka, pero laging [dapat] maging better.

"Wala namang ibang pupuntahan, e, so stop worrying about stuff na hindi mo na dapat… na wala ka nang magagawa, di ba, na hindi mo na dapat problemahin.

"Isipin mo na lang kung anong next step mo. Parang deadma, pag may nangyari, e, nangyari, anong gagawin natin?

"Move on ka na, next ka na, parang ganoon yung nasa isip ko noon."

Hindi nagbanggit si Angel ng mga pagsubok na pinagdaanan niya sa limang taon na yun, subalit matatandaang noong 2015 unang inanunsiyo na hindi na niya magagawa ang pelikulang Darna.

Ito ay matapos niyang magkaroon ng disc bulge sa kanyang spine, dahilan upang pagbawalan siyang gumawa ng stunts na kakailanganin para sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang bahagi naman ng 2016 nang maghiwalay si Angel at ang long-time boyfriend niyang si Luis Manzano.

Napabalita rin noong 2016 na si Angel pa rin ang napupusuang gumanap na Darna ng Star Cinema, subalit noong 2017 ay naging pinal na ang desisyong hindi na siya ang magbibida rito.

Si Liza Soberano ang napiling gumanap na bagong Darna.

Taong 2017 rin nang unang mapabalitang nagde-date si Angel at ang film producer na si Neil Arce.

ANGEL'S RESIGNATION LETTER

Ayon pa kay Angel, tama lang ang timing na ngayon lang siya magte-teleserye ulit.

Ito raw ay dahil naisip na niya sanang bitawan ang pag-aartista.

Dito niya nabanggit na minsan na siyang nag-submit ng resignation letter sa mga boss ng ABS-CBN.

Patuloy ni Angel, "Thankful din ako na ngayon lang din ako nagtrabaho kasi feeling ko dati di ko kakayanin, e.

"Ayoko na, e. Ayoko na noon, e, as in nagre-resign na ako, may letter na ako at lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit niya naisip na mag-resign sa ABS-CBN?

"Parang feeling ko, hindi ko deserve, hindi ko nagagawa yung trabaho ko, hindi ko... parang I’m a big disappointment.

"Sa body, di ko nagawa yung responsibility ko sa ABS-CBN, parang ganun.

"Nahihiya ako kasi I’m paid, e. Kaya akala ko yun yung proper way kung paano i-deal yun."

Ang naiisip na lang daw gawin ni Angel noon ay asikasuhin ang farm na nabili niya sa Bulacan.

ANGEL STAYS IN SHOWBIZ

Mabuti na lang daw at napigilan si Angel ng mga executive ng Kapamilya network.

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng oportunidad ang business units ng ABS-CBN na mag-pitch ng proyekto para sa kanya.

Kabilang na rito ang Dreamscape Entertainment, na siyang producer ng The General's Daughter.

Kuwento ni Angel, "Buti na lang, yung mga boss ng ABS-CBN, kinausap nila ako.

"'Tapos after one week, may prinesent, sabi nila, 'Gel, tingnan mo lang kung okay. Sabi may apat daw na magpi-present na unit.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[Sabi ko], 'Wow, okay, first time ko 'to, ha. O, sige, upo ako.'

"Pero di ako excited na parang, okay, may project. Parang baka another one of those na may prinesent 'tapos di matutuloy. So, guarded ka.

"Sabi nila, si Sir Deo [Endrinal, Dreamscape head], may dalawang project."

Patuloy ng aktres, "Parang naano ako na ito yung mga taong mami-miss ko, ito yung mga taong dapat i-treasure ko sa trabaho ko, di ba? So, gaganahan ka, e.

"Di ko alam kung nagme-make sense ako sa inyo, pero pag nagtrabaho kayo, di ba, parang ang sarap pag may boss that cares for you?

"At saka makita yung workmate mo na very positive lang, yung ganun. Wala kang time mag-wallow sa mga problema mo sa mundo.

"So move on ka na, binigyan ka na ng chance, e.

"Binigyan ka Niya ng opening, e, na parang ito, ano gagawin mong next step? So, binigyan ka Niya ng next step, doon nagsimula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, may pinagdaanan ako, pero never naman ako sumuko. Fighter pa rin naman ako."


Stories We Are Tracking

Angel Locsin ready to return to primetime after 5 years
Angel Locsin ready to return to primetime after 5 years


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close