Ciara Sotto, non-showbiz boyfriend exchange sweet messages

IMAGE @giansotto / @pinaypole Instagram

Ciara Sotto admits her newfound romance with her non-showbiz boyfriend is one of the best things that happened to her in 2018.


Unti-unting mas nagiging bukas si Ciara Sotto tungkol sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Austin.

Naunang sinabi ni Ciara na nami-miss niya ang nobyo dahil tila wala ito sa Pilipinas noong nagdaang Pasko.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, nag-post si Ciara ng litrato ni Austin kalakip ang isang sweet message niya para rito.

Saad sa written text ni Ciara: "I've just one wish this Christmas eve... I wish I were with you..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong December 30, nagpahiwatig din si Ciara kung gaano siya kasaya mula nang dumating si Austin sa kanyang buhay.

Aniya, "No one is as excited as I am for 2019! [heart emoji] God surprised me in 2018... and I’m looking forward to more twists and turns from our Loving Lord Jesus this coming year.

"What might God be making new in your life? [lovestruck, blushing smile, and heart emojis]."

Sa comments section, nag-reply si Austin upang ihayag ang pagtatangi nito sa Kapuso actress.

Ani Austin, "Ohhhh my Gosh [three lovestruck emojis] every time I look at you, it always feels like the first time beautiful [five hearts]"

Sumagot naman si Ciara sa pamamagitan ng paglagay ng limang butterfly emojis para kay Austin.

Sabi pa ni Ciara, "@pinaypole you are truly the sweetest![heart emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa celebrities na kinilig para kay Ciara ay ang Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza.

Nagkomento si Maine ng heart at smile emojis.

Tila nagkaintindihan naman agad sina Maine at Ciara, na sumagot ng: "@mainedcm #ALAMNATHIS [laughing with tears emojis] I miss you babygirl! Love you always."

Ibang-iba nga ang pasok ng 2019 kay Ciara ngayong masaya na ulit ang estado ng love life nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malayo ito sa malungkot niyang pag-anunsiyo noong January 2016 na hiwalay na siya sa kanyang asawang si Joe Oconor, at bumalik na siya sa poder ng mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Noong May 2018 naiulat na nasa proseso na ng annulment ang marriage ni Ciara at ng estranged husband niyang si Joe.

Mayroon silang isang anak, na magdiriwang ng ika-apat na kaarawan nito sa February 26.


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend
Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend
Ciara Sotto teased about new man in her life
Ciara Sotto teased about new man in her life
Ciara Sotto seeks annulment of marriage to Joe Oconer
Ciara Sotto seeks annulment of marriage to Joe Oconer
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close