Derek Ramsay remains mum on rumored transfer to GMA-7: "Basta makikita niyo na lang ako sa TV."

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay on rumored transfer to GMA-7: "But soon you'll see me on TV and I'm really excited about that.Sabi ko nga earlier, my plan for 2019, I was really focused to go pro and golf, I wanted to give that a go. But plans change and another blessing was given to me and, uh, I'm really excited about what's gonna happen in 2019."


Excited na si Derek Ramsey sa kanyang upcoming projects ngayong 2019.

Ipinahayag ni Derek sa presscon ng Dunkin' Donuts nitong Huwebes, January 10, na may campaign projects na naka-lineup para sa kanya.

Aniya, “Yeah, I think there are a couple of campaigns lined up. I’m not sure if we’re allowed to talk about it this yet.”

Naging tikom bibig naman ang aktor nang natanong siya tungkol sa kanyang rumored transfer sa Kapuso Network.

Subalit tiniyak niyang mapapanood na siya ulit sa telebisyon.

Matatandaang nilisan ni Derek ang bakuran ng TV5 noong April 2018 pagkatapos ng anim na taon.

Mula noon ay hindi na napanood sa isang regular show ang hunky actor.

Bago matapos ang 2018 ay naging malakas ang bulung-bulungan na lilipat na si Derek sa GMA-7.

May balita pa ngang sa second week ng January 2019 magaganap ang contract signing ni Derek sa GMA-7 at inaasikaso na raw ng lawyers niya ang mga papeles na may kinalaman dito.

Pero ayon kay Derek, “Basta makikita niyo na lang ako sa TV. Bawal pa po ako magsalita.

“But soon you’ll see me on TV and I’m really excited about that.

“Sabi ko nga earlier, my plan for 2019, I was really focused to go pro and golf, I wanted to give that a go.

“But plans change and another blessing was given to me and, uh, I’m really excited about what’s gonna happen in 2019.”

Kinumpirma rin ng award-winning actor na ang dahilan kung bakit excited at masaya siya dahil sa takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabiro ring nag-side comment si Derek na parang may meaning ang number ‘7’ sa kanya, dahil pitong taon na siyang naging endorser ng Dunkin' Donuts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN